Monday, February 18, 2008

Hindi Ako si Miguel

A Filipino film script rated PG. The concept came out after I've watched a documentary program from a local TV channel that featured a story on pedophilia involving European nationals in Laguna, Philippines. I've never seen a film before with a similar subject. This prompted me to write one.

Sinimulan kong isulat ang script na ito taong 1996 inspired by the style of Mr. Ricardo Lee. Hindi ko natapos ang pagsali sa kanilang film-writing workshop noong taon ding iyon dahil nagtungo ako sa ibang bansa para magtrabaho ng dalawang taon. Tinapos ko ang kuwento taong (1999).

Ang konsepto, paksa at mga eksena dito ay lubhang napakaselan ngunit masasabing napapanahon at may katuturan. Umiikot ito sa istorya ng dalawang lalake na kapwa naging biktima ng pedophilia sa ilalim na rin ng kagustuhan ng kanilang mga magulang kapalit ng salapi. Ang lalim ng paksa ay higit na tumatalakay sa kung ano ang posibleng epekto nito sa mga biktima paglipas ng panahon at maging sa mga taong may kaugnayan sa ugat ng suliranin. Sa ganang akin, marapat lamang na i-present ang ganitong klase ng pelikula—kuwentong talaga namang nagaganap, kadalasa’y lihim pa—upang magbukas ng kaisipan sa bawat isa at magbago ng trend sa paggawa ng mas makabuluhang pelikula sa panahon ngayon.

Ang puso ng istorya ay panaiikot ng mga flashbacks at twists na sadyang magpapasigla at hahamon sa mapanuring kaisipan ng mga manonood.


- Everyrock


(The Storyline)

16 years ago, dalawang turistang Kano ang bumusita sa bayan ng San Andres. Napakalinis ang naging pagtingin sa kanila ngunit lingid sa kaalaman ng mg tao, ang dalawang ito’y mga sadistang pedophiles. Nakipagkaibigan sa kanila si Mang Teddy na naging pabor naman para sa mga dayuhan. Nagpakita sila kay Mang Teddy ng mga hubad na litrato ng iba’t-ibang batang lalake at sinabing koleksiyon nila ang ganoong klaseng larawan ng mga bata mula sa iba’t-ibang parte ng mundo—a rare kind of art, sabi nila. Kapalit ng bayad, pinahanap si Mang Teddy ng mga volunteers mula sa San Andres para raw sa karagdagang koleksiyon. Mas maraming mga magulang ang hindi pumayag. Dalawa lang ang nahimok, Sina Noel at Miguel, matalik na magkaibigan, kapwa sampung taong gulang.

Sa bawat pagtungo ng dalawang bata sa mansyong inupahan ng mga Kano, perang kapalit ang napupunta sa mga magulang at ilang porsyento kay Mang Teddy, na siya pa mismong naghahatid sa dalawang bata patungo sa tinutuluyan ng mga dayuhan. Habang lumalaon, palala nang palala ang ginagawa at ipinagagawa sa kanila. Tinuturing na mga sex objects—sinasaktan, pinaglalaruan at ginagamit sa paraang sodomy.

Walang reklamong narinig mula sa mga magulang ng mga bata dahil malaking halaga ang natatanggap nila. Si Aling Cecilia, ina ni Miguel, ay matagal nang iniwan ng asawa at nabunton ang galit sa dalawang niyang anak. Dahil wala nang iba pang mapagkakakitaan, ikinalakal niya si Miguel, ‘di alintana ang mga latay at iba pang bakas ng pahirap sa katawan nito. Siya pa mismo ang naghahatid kay Miguel minsan sa mga dayuhan.

Isang araw, nagawang makatakas nina Noel at Miguel. Sa inis ng ina, ang nakababatang kapatid ni Miguel ang ini-offer nito sa mga pedophiles. Nabigla ang bata sa sinapit. Agad na namatay sa tinamong gulpi at brutal na paggamit sa kanya. Naging saksi si Noel sa mga pangyayari. Isinumbong niya ito kay mang Teddy sa pag-aakalang makakakuha ng tulong. Sa halip, pinatahimik siya nito, tinakot at binalaang huwag magsasalita at tinulungan pang tumakas ang mga sadistang salarin. Matagal na siyang may alam sa mga nangyayari, ngunit wala siyang ginawang hakbang laban sa mga dayuhang naging kaibigan niya.

Sumabog ang kimkim na galit sa dibdib ni Miguel sa pagkadamay at pagkamatay ng kapatid. Gabi, pagkatapos ng libing, napatay ni Miguel ang kanyang ina.

Maraming hindi makapaniwala pero inampon si Miguel ng mag-asawang negosyante mula sa Japan sa tulong ng DSWD. Naghiwalay ang landas nila ni Noel at sa murang edad, nangako itong babalikan ang kaibigan upang iahon.

After 16 years, bumalik si Miguel sa San Andres sa iba ng katauhan—bilang si Michael Tsui. Kagalang-galang, professional at mayaman na. Financially attracted si Mang Teddy sa mga bisitang dayuhan. Hindi niya nakilala si Miguel at inalok itong sa kanila tumuloy habang nagbabakasyon.

Si Gloria na anak nina Mang Raul at Aling Lourdes at inaanak ni Mang Teddy ay may lihim na pagtangi kay Noel. Sa kabila ng nararamdamang ito’y pinaghihinalaan niyang si Noel ang pumatay sa kanyang nobyo. Subalit bigo si Gloria na makita ang ebidensiyang hinahanap na siyang magpapatibay ng kanyang hinala—ang mga nawawalang alahas ng dating katipan.

May bakasyunistang bisita rin sina Gloria—si Chona, mestizang pamangkin ni Mang Raul na katatapos lamang ng kursong medisina. Dahil family friends ang pamilya nina Mang Raul at Mang Teddy, napalapit din ang loob ng dalawang dalaga kay Michael Tsui na noon ay bisita na ni Mang Teddy.

Noong una, akala ni Michael ay limot na niya si ‘Miguel’. Ngunit ang mga senaryo sa San Andres ay pilit na nagbabalik sa kanya sa nakaraan. Hindi niya akalaing makikilala pa siya ni Noel, dahilan upang magbalik-isip siya bilang si ‘Miguel’.

Mula noon, hindi na pinatahimik si Michael (Miguel) ng kanyang emosyon. Isang araw, dumating ang pagkakataon sa kanya upang mapaghigantihan si Mang Teddy sanhi ng muling nabuhay na poot. Aktong papatayin na niya ito’y nagawa siyang pigilan nina Noel at Mang Raul. Sa pagtutuos nila’y naitumba ni Mang Teddy ang aparador sa kanilang silid. Tumambad ang ebidensiyang hinahanap ni Gloria na noon ay saksi rin sa pangyayari—ang mga alahas ng nasirang nobyo. Nasukol si Mang Teddy at umamin sa mga pagkakasala pati na ang pagpatay sa dating nobyo ni Gloria. Nabunyag din ang katotohanang si Miguel at Michael ay iisa.

Sa huli’y, nagkaroon ng katuparan ang pag-iibigan nina Noel at Gloria, gayundin nina Miguel at Chona. Nabigyang-linaw ang isip ng mga taga-San Andres at tuluyan nang nabura ang mapait na ala-ala nina Noel at Miguel noong nakaraang labing-anim na taon.


1. Dalampasigan/Umaga
(exterior)

Magliliwanag ang screen sa dalampasigan ng San Andres—isang tipikal ng probinsiya na minsa’y pinaikot ng mga misteryo ng ilang mga nanirahan dito.

Titigil ang kamera sa batuhan, sa tabi ng dagat, makikita ang isang sinturon habang nilalaro ng maliliit na alon. Tila sinasabing “…tapos na ang lahat.”

Flashback begins…


2. Mansyon/Dapit-hapon
(exterior)


Papalubog na ang araw, kitang-kita ito mula sa likod ng mga puno. Maririnig ang huni ng mga ibon. Dahan-dahang pipihit ang kamera sa gawing kaliwa at tatambad ang kabuuan ng isang magarang mansyon na kasalukuyang inuupahan ng dalawang bagong saltang Amerikano.

Habang dahan-dahang sinu-zoom ang kamera sa mansyon, unti-unting mawawala ang ingay ng mga ibon at mapapalitan ng palahaw at pag-iyak ng isang batang lalake na nasa sampung taong gulang. Habang lumalapit ang kamera’y papalakas ang pag-iyak nito, halatang naghihirap sa ‘di malamang kadahilanan.

BATANG LALAKE (off screen)
(Habang umiiyak) Aray! Tama na po! Ayoko na…! Hindi ko na po kaya!

TURISTANG KANO (off screen)
Shut up!

Kakalabog mula sa likod ng nakasaradong bintana.

BATANG LALAKE (off screen)
(mas malakas) Araaay…! Ayoko na…!



TURISTANG KANO (off screen)
(Humahalakhak, tila tuwang-tuwa sa ginagawa) I supposed you like this, baby! Isn’t it good? Huh? (tatawa uli ng malakas)

BATANG LALAKE (off screen)
(paiyak) Tama na po …

Cut to:

3. Silid ng Kano/Dapit-hapon
(interior)

Biglang tatagos ang kamera sa parang naging invisible na bintanang yari sa kapis. Makikita ang nakatalikod na hubo’t hubad na batang lalake, nakaupo sa sahig sa gilid ng malaking kama. Mapupuna ang bahid ng dugo sa lapag, sa may gawing-puwitan ng bata. Mapi-picture sa kaanyuan nito ang takot at paghihirap.

Sa harapan ng bata ay ang nakatayo at nakangising amerikano na nakatapi lamang ng maliit na tuwalya. Naglalaro sa kanyang mukha ang galit, tuwa at satispaksyon sa ginagawa habang hawak ang sinturonng nag-iwan ng maraming latay sa katawan ng bata. Kung mapupuna, ito rin ang sinturong nilalaro ng mga alon sa dalampasigan sa umpisa.

4. Mansyon/Umaga
(exterior)

Huhuni ang mga ibon mula sa madilim na screen. Magliliwanag ito sa harap ng bintana sa ikalawang palapag ng mansyon at dahan-dahan namang lalayo ang kamera hanggang sa makita muli ang kabuuan ng bahay.

Dadaanan ng paatras na kamera ang batang lalake at ang kanyang ina na nasa early 40’s habang sabay na naglalakad. Sa kanilang likuran ay tanaw pa rin ang malaking bahay na kung susuriin ay siya nilang pinanggalingan. Mapupuna ring hirap sa paglakad ang bata.

Titigil ang kamera sa kanyang harapan. Susundan nila ang kamera.



INA
(Habang binibilang ang pera) Mabuti naman at malaki-laki ang ibinigay ng puting ‘yon. Tamang-tama at wala na tayong pambili ng ulam at bigas 'no! (titingin-tingin sa paligid at ipapasok ang pera sa bulsa ng duster na parang takot na may makakita)

Mapupuna ng ina na humihikbi ang bata.

INA
Tumigil ka nga diyan at baka may makakita sa’yo! Punasan mo na ‘yang luha mo! Tapos na! (Hahawakan ang braso ng anak at titingnan ang mga pasa) Kung ‘yan ang iniiyak mo, sandaling gamutan lang ‘yan! May inihanda na akong ‘mertayoleyt’ sa bahay.

Lalong aagos ang luha sa magkabilang pisngi ng bata. Parang napakalayo ng mga tingin nito.

INA
(Kukunin ang panyo sa kabilang bulsa at papahiran ang luha ng anak na parang sinisisi pa ito) Ano ka ba?! Gusto mo bang makapag-aral sa susunod na taon?! Puwes, magtiis ka! Hindi rin naman magtatagal ‘yan eh! Hindi tayo makakaraos kung ang aasahan lang natin ay ang paglalako ko ng gulay!

Dissolove to:

Close-up ng mukha ng bata

INA (off screen)
(Papahina ang boses sa audio hanggang sa mawala) ‘Yan kasing magaling mong ama! Hindi n’yo sana daranasin ‘to kung hindi tayo nilayasan! Hayun, at sumama sa iba! Kung hindi sana…

Extreme close up pa rin sa bata na magti-trigger ng misteryo sa kabuuan ng pelikula.

Cut to present
16 years later

5. Harap ng Mansiyon/Hapon
(exterior)

Present events begin…

Unti-unting magba-blur ang screen mula sa extreme close-up ng mukha ng bata at mapapalitan ito (superimposition) ng grown-up na lalake na nasa edad 26. Lalayo ang kamera upang ipakita ang kabuuan at ang hitsura ng San Andres after 16 years. Wala itong suot na pang-itaas, pantalong maong lamang na itinupi hanggang ibaba ng tuhod. Matipuno ang kanyang katawan, kayumangging marahil ay dahil bilad sa araw at halatang batak sa trabaho. Hindi malaman sa kanyang mukha kung seryoso o palabiro, galit o mangmang. Sa umpisa’y may kalabuan ang kanyang karakter na uusbong lamang sa pagtatapos ng pelikula.

Siya si Noel.

INA NI NOEL (offscreen)
Bagal-bagalan mo naman paglalakad mo, anak.
Gigiling ang kamera sa gawing kaliwa at dalawa na sila ng ina ang makikita. May katandaan na ito, nasa edad 60.

Hawak ng matanda ang dalawang bayong ng gulay sa magkabilang kamay. Ang lugar naman ay iyon pa rin maliban sa ilang pagbabago ng ilang mga taon.

Hindi sila ang mag-ina sa naunang sequence. Magiging puzzle ito sa mga manonood hanggang sa climax ng pelikula.

NOEL
(Hindi kikibo. Tatanawin lamang ang ngayo’y abandonado nang mansiyon sa likod nila. Sasama ang hitsura ng mukha)

INA NI NOEL
Tulungan mo naman ako dito, napapagod na ako.

NOEL
(Lilingon sa ina. Walang imik-imik na aabutin ang isang bayong. Muli na namang tatanawin ang bahay sa likod)

Cut to:

Close-up ng mansiyon. Lalabnaw ang kulay nito sa screen. Maririnig uli ang boses ng batang lalake, nagmamakaawa at umiiyak.



6. Bahay ni Mang Raul/Umaga
(Exterior)

Tipikal na mag-asawa sina Mang Raul at Aling Lourdes, kapwa nasa early 50’s. Parehong masayahin kaya laging magkasundo. Nag-iisang anak nila si Gloria, 24. Parang contrast naman ang ugali nito sa mga magulang. Nagiging masaya lang kapag may obvious na dahilan. May pagka-serious type at agresibo. Strong ang personality niya sa panlabas pero sa loob, hindi kayang dalhin ang mga problema. Taga- San Andres na sila, simula pa man.

Pinaghahandaan nila ang pagdating ni Chona, ang mestizang pamangkin ni Mang Raul, galing sa Manila at katatapos lamang ng kursong Medicine. Soft-spoken si Chona. Laking Manila, mataas ang pinag-aralan pero simple lang at very down-to-earth. Matanda siya ng isang taon kay Gloria.

Linggo. Abalang nagluluto si Aling Lourdes katulong si Gloria sa paghahanda sa pagdating ni Chona. Naroon sila sa labas, gawing likod ng bahay na siya nilang kusina—yari sa kahoy ngunit may kalakihang bahay. Madadaan-daanan sila ng mga tao na kagagaling lang sa pagsisimba. Sa gawing likuran ni Aling Lourdes ay nagkakayod naman ng niyog si Mang Raul.

ALING LOURDES
(Kay Mang Raul) Bilis-bilisan mo diyan, at marami pang dapat tapusin. Ke bagal-bagal mo. Para kang walang lakas.

MANG RAUL
(Mapapatigil sa ginagawa at mangingiting may kalokohan) Aba, mukhang gusto mo akong hamunin ah!

ALING LOURDES
(Lilingon at tititig nang masama sa asawa. Gagawing panturo ang hawak na sandok. Mapapangiti.) Tumigil-tigil ka nga, ha. Ikaw talaga Raul, ‘yang utak mo… ke tanda-tanda mo na, utak-berde pa rin.

MANG RAUL
Naku… Kunwari pa ito…!

ALING LOURDES
He! (Nakangiting papaluin ang balikat ni Mang Raul) Tumigil ka na nga at gagatain mo pa ‘yan!

MANG RAUL
Gagatain…? (Mukhang inosenteng tititig sa asawa)

ALING LOURDES
(Hahampasin ng hahampasin si Mang Raul)

MANG TEDDY (offscreen)
(Napadaan kasama ang asawa) Aba… ang agang karinyuhan niya, pare ah!

Si Mang Teddy na asawa ni Aling Sonia ay ninong ni Gloria. Family friends sila at talagang malapit sila sa isa’t-isa. May pagkabungisngis si Aling Sonia. Laging nakatawa at parang laging nagbibiro kahit seryoso na ang sinasabi. Sa personalidad niya, parang hindi siya kayang tablan ng problema.

Masayahin din ang asawa niyang si Mang Teddy pero parang kaduda-duda ang kabaitan nito. Minsan, parang may nakatagong pagkukunwari sa mga tawa niya. Misteryoso talaga ang katauhan ni Mang Teddy dahil marami siyang lihim na iniingatan.

MANG RAUL
(Kay Mang Teddy) Oy, pare! (Titindig) Ito kasing si misis, ang agang mangarinyo.

ALING LOURDES
He!
Lalapit si Gloria para magmano kina Mang Teddy at Aling Sonia.

ALING SONIA
Mukhang abalang-abala yata kayo, mare ha?

ALING LOURDES
Ah, oo. Ngayon na kasi ang dating ng pinsan nito (kay Gloria) galing Manila. ‘Yung binanggit ko sa’yo noon! Sa amin muna magbabakasyon at katatapos lang mag-aral ng pagka-duktor! (parang proud) Magpapahinga naman daw muna siya!

ALING SONIA
Gano’n ba mare? Sabihan mo kami kapag nariyan na ha. May ginawa rin akong mga suman at nang matikman naman ng taga-Maynila kung gaano kasarap ang suman-probinsiya.

ALING LOURDES
Talaga mare? Hamo’t ipasasabi ko kaagad kay Gloria.

Dissolve to:
Medium shot ni Gloria

MANG TEDDY
O siya, mare, pare, Paririto na muna kami.

MANG RAUL
Sige, pare.

ALING LOURDES
Hayaan niyo’t magpapadala rin ako ng puto sa inyo mamaya.

ALING SONIA
Hihintayin ko… o, sige.

Magpapatuloy ang tatlo sa ginagawa habang magdaraan ang ibang tao na panaka-naka’y sinusuklian nila ng ngiti.

7. NAIA/Umaga
(exterior)

Bumababa mula sa eroplano si Michael, kadarating lamang mula sa Japan. Naka-coat and tie. Makisig at mukhang kagalang-galang.

Siya ang bata noon na ipinakita sa naunang sequence. Tulad ni Noel, maghahati sila ng misteryo ng katauhan hanggang sa kahuli-hulihan ng pelikula.

Cut to:
Bumababa mula sa taxi si Michael na pumarada sa harap ng isang "class" na hotel

Cut to:
Magtsi-check-in siya sa hotel na ito

Cut to:
Papasok si Michael sa loob ng kuwarto ng hotel. Hihiga kaagad sa kama.

Dissolve to:
Close-up ng kanyang mukha habang nakahiga at nakapatong ang isang kamay sa noo. Halatang napagod sa biyahe.

8. Bahay nina Mang Raul/Tanghali
(Interior)

Kadarating lamang ni Chona buhat sa Manila. Sa hitsura ng kanyang mukha at complexion, mahahalata agad ang pagka-mestiza.

Mapupuno ng sigla ang buong kabahayan.
Unang lalapit si Chona sa tiyahin

CHONA
(Magmamano) Mano po, auntie.

ALING LOURDES
(Yayakapin si Chona. Tuwang-tuwa) Naku… itong pamangkin ko! Kumusta ka na?

CHONA
(Magmamano sa lumapit na tiyuhin habang yakap pa rin ni Aling Lourdes)

ALING LOURDES
(nagmamadaling tatawagin si Gloria sa kuwarto) Gloria! Labas na at narito na ang maganda mong pinsan!

Lalabas mula sa kuwarto si Gloria. Bakas na bakas sa mukha ang kasiyahan.

GLORIA
(Titili) Chona…! Kumusta ka na?

Magyayakap ang dalawa. Halatang napakatagal na hindi nagkita.

ALING SONIA (offscreen)
Mare…

Dissolved to:
Focus sa pinto ng bahay. Susulpot si Aling Sonia.

ALING SONIA
Heto at dinala ko na ang suman (Mame-mesmerize pagkakita sa bisita) Hindi kasi ako mapakali doon sa bahay kaya… (Hindi na matutuloy pa ang sasabihin dahil hihilain siya ni Aling Lourdes paakyat sa pitong baitang na hagdanan ng kanilang bahay)

ALING LOURDES
Dali, mare at narito na ang pamangkin ko!

ALING SONIA
(Parang hindi makapaniwala) Pamangkin mo? (Titingnan mula ulo hanggang paa si Chona) Pamangkin mo ba talaga ito?

MANG RAUL
(Poporma) Aba, ikaw naman at wala kang bilib sa lahi namin!

ALING LOURDES
Anak siya ng kapatid ni Raul na nakapag-asawa ng Amerikano.

ALING SONIA
Siya nga?

ALING LOURDES
Siya nga pala si Chona, Chona Hughes! (may emphasis sa apelyido)

ALING SONIA
(Mesmerized pa rin) Ke gandang bata nito.

ALING LOURDES
(kay Chona) At ito nga pala ang kumare namin ng uncle mo, Chona. Ninong ni Gloria sa binyag ang asawa niyang si Teddy.

CHONA
Ano ho’ng pangalan niya, auntie?

ALING LOURDES
Sonia. Sonia, iha. Aling Sonia ang tawag sa kanya.

ALING SONIA
Ah… pwede bang… auntie na rin ang itawag mo sa akin?

CHONA
(Ngingiti) Sige po, auntie.

ALING SONIA
(Tuwang-tuwa naman) Ay…! Sa wakas at may pamangkin na rin akong mestiza!

Mapupuno ng tawanan ang buong kabahayan.

GLORIA
O, tena at kumain muna tayo. Baka nagugutom na ang pinsan ko.

MANG RAUL
Oo nga naman. Doon na natin ituloy ang kuwentuhan sa kusina. Halika na!

Cut to:

9. Kusina

Masayang nagsasalo-salo sa hapag-kainan ang lahat. Nakaupo sa tabi ng bintana ng kusina si Chona.

ALING SONIA
(Kay Chona) Mabuti at hindi ka naligaw dito?

CHONA
Hindi naman ho. Malinaw naman ang sketch na ipinadala ni Gloria sa akin

ALING SONIA
(Habang ngumunguya) Ngayon ka lang ba nakapunta dito?

CHONA
Noon. Maliit pa po ako.

MANG RAUL
Busy kasi sa pag-aaral at ngayon lang natapos. Duktor! (May emphasis sa ‘duktor’)

ALING SONIA
Talaga? E, ‘di hindi na pala natin kailangang lumuwas ng bayan ngayon para magpa-check-up. Hindi ba, chona?

CHONA
(Ngingiti)

ALING LOURDES
Naku! Siguradong malilibang ka rito. Marami ditong prutas, malapit sa dagat at sariwa ang hangin. Mamaya, sasamahan ka ni Gloria na manguha ng mangga. May niluto na akong bagoong at marami na ring manibalang sa puno sa likod. Gusto mo ba no’n?

Mapapalingon sa labas ng bintana si Chona at masusulyapan ang nagdaang si Noel. Medyo babagal naman ang paglakad nito pagtapat sa bintana. Magsasalubong ang kanilang mga mata.

Mapapansin ni Aling Lourdes ang umagaw ng atensiyon ni Chona. Itutuon din niya ang pansin sa labas ng bintana. Magtitinginan ang lahat. Magkasalubong pa rin ang mga mata nina Chona at Noel.

ALING LOURDES
…Chona?

CHONA
(Parang magugulat) Ah, oho! (Susulyap pa rin sandali kay Noel) Paborito ko nga rin ang manggang hilaw.

Saglit na matatahimik sila. Nakatingin lahat kay Noel. Maiilang naman ito at bibilis ang paglakad.

GLORIA
(Tititig ng masama kay Noel)

10. Dalampasigan/Hapon
(Exterior)

Naghahabulan ang mga ulap sa kalangitan. Panaka-naka’y tumatabing sa malapit nang lumubog na araw. Bahagyang bababa ang kamera at makikita ang malawak na karagatan. Unti-unting ring makikita ang mga naglalakihang bato sa dalampasigan, at paggawi ng kamera sa bandang kaliwa, sa malayong kuha, ay nakaupo sa malaking bato sina Gloria at Chona.

Dissolve to:
Nakatalikod sila sa kamera at tinatakpan nilang dalawa ang paglubog ng araw. Nakaupo sila sa malaking bato at ang mapulang liwanag ng araw ay parang presong gustong makawala sa pagitan nilang dalawa. Habang nag-uusap ay iikutan sila ng kamera hanggang sa nasa harap na sila nito.

GLORIA
Masaya ba talaga sa Maynila?

CHONA
Masaya na mahirap.

GLORIA
Bakit masaya na mahirap?

CHONA
Masaya dahil halos naroon na lahat—malls, pasyalan at kung anu-ano pang bago. Mahirap dahil masyado nang masikip at polluted. Marami ring crimes. Hindi gaya dito, tahimik at sariwa ang hangin.

Dissolve to:
Medium shot nilang dalawa.

GLORIA
Nagka-boyfriend ka na ba?

CHONA
Naku! Sa kurso ko, hindi ko na naisip ang bagay na ‘yan, no! Mahirap pagsabayin ang pag-ibig at pag-aaral.

GLORIA
Kahit kailan, hindi ka pa nagka-syota?

CHONA
Ah… (mag-iisip) Noon, oo. Pero high school pa ‘ko no’n. At saka hindi naman serious relationship ‘yon. Tatlong araw lang (sabay tawa ng malakas) Bakit? Ikaw?

GLORIA
(Ngingiti) Ako? (Tatahimik)

CHONA
O, bakit ka natahimik?

Dissolve to:
Nasa gilid na nila ang kamera at makikita ang isa pang angulo ng dalampasigan. Parang walang katapusan ang tila nagpaparada at naglalakihang mga bato.

Isa-isang ipupukol ni Gloria ang maliliit na bato sa dagat na kanina pa kuyom ng isang palad niya. Siguro’y talagang nagdala siya nito upang sadyang ibato-bato doon.

GLORIA
Wala na siya e! (Lulungkot ang mukha) namatay siya dalawang taon na ang nakalilipas.

CHONA
(Mabibigla) Ha?!

GLORIA
At hindi man lang nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.

CHONA
I’m sorry.

GLORIA
Si Noel ang pumatay sa kanya, alam ko. (Lalabas ang galit sa mukha. Parang ngayon lang uli ibubuhos ang sama ng loob pagkalipas ng dalawang taon) Siya ang huling kasama ni Ogie galing sa pangingisda bago siya namatay. Kaya lang, hindi nagkaroon ng sapat na katibayan laban sa hayop na ‘yon kaya hanggang ngayon ay nakakalaya pa rin siya.

CHONA
(Dudukutin ang panyo sa bulsa nang mapunang nangingilid ang luha ni Gloria. Nakangiting iaabot ito sa pinsan, hahaplos-haplusin ito sa likod) I’m really sorry, Gloria.

GLORIA
Magbabayad din ang Noel na ‘yon!

Magtataka si Chona. Para siyang nawiwirduhan sa pinsan ngunit hindi niya ipapahalata. Ngayon pa lang nila halos nakikilala ang isa’t-isa dahil maliit pa sila nang una silang magkita sa maikling panahon.

GLORIA
(Parang walang naririnig) Magbabayad din siya!

Dissolve to:
Close shot ng mukha ni Gloria habang nakayakap sa kanya si Chona. Nakatalikod si Chona sa screen.

GLORIA
(Pabulong) Magbabayad din siya!

11. Pondohan ng mga Bangka/Umaga
(Exterior)

Halos kasisikat lang ng araw. Nag-aayos ng lambat si Noel sa tabi ng bangka kasama ng iba pang mangingisda. Kagagaling lang nila sa laot.

Cut to:
Sina Chona at Gloria, habang naglalakad patungo sa palengke sa harap ng pondohan ng mga bangka. May bitbit na basket si Gloria. Nagtatawanan silang dalawa.

Mapapadaan sila sa kinatatayuan nina Noel. Mapapahinto si Noel sa ginagawa. Mapapatigil din si Gloria. Biglang mawawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Nagtataka, mapapatingin din si Chona kay Noel. Parang nagsasabing “ito ba si Noel?” saka ibabaling uli ang tingin kay Gloria.

GLORIA
(Galit ang mukha habang nakatingin pa rin kay Noel. Hihiliain si Chona.) Halika na, Chona!

Magpapatuloy sa paglalakad ang dalawa. Lilingunin uli ni Chona si Noel na humahabol pa rin ng tanaw sa kanila.

12. Bahay nina Mang Raul/Umaga
(Interior)

Masayang naghahanda ng ilulutong pananghalian sina Gloria at Chona. Naglilinis ng mga nabiling isda si Gloria at naghihiwa naman ng gulay si Chona.

Nakangiting darating si Mang Raul bitbit ang isang basket ng manggang hinog.

Cut to:
13. Kusina/Tanghali

Masayang nagsasalu-salo ng pananghalian sina Mang Raul, Aling Lourdes, Gloria at Chona.

14. Sala/Tanghali

Naglalaro ng sungka sina Chona at Mang Raul. Susulpot mula sa likod ni Mang Raul si Gloria at ibubuhos ang isang dakot na sigay na nilalaro nilang dalawa. Tatakbong parang bata si Gloria. Hahabulin siya ni Mang Raul.

15. Balon/Hapon
(Exterior)

Naglalaba sina Aling Lourdes, Gloria at Chona. Nagkukuwentuhan at naghaharutan sila pero hindi lalabas sa audio.

16. Buhanginan/Dapit-Hapon
(Exterior)

Naglalakad sa tabi ng dagat sina Gloria at Chona. Yuyuko si Chona para usisain ang gumagapang na umang. Dadako ang kamera sa umang. Pagtatawanan siya ni Gloria. May lalapit na dalawang bata sa kanila. Dadamputin ng isang bata ang umang. Tatakbo ito at hahabulin ng kasama niya ring bata.

17. Bahay nina Mang Raul/Gabi
(Interior)

Maririnig ang huni ng mga kuliglig hanggang sa huling scene ng sequence na ito. Katatapos lang kumain ng buong pamilya. Nakadungaw sa bintana, sa may sala, si Chona. Lalapit sa kanya si Gloria.

GLORIA
Nag-e-enjoy ka ba dito?

CHONA
(Lilingunin si Gloria) Oo naman! Tuwang-tuwa nga ako dahil para akong isang ibong biglang nakatakas sa hawla. Alam mo ‘yon? Ito ang bagay na na-miss ko. Buhay-probinsiya. Ang sarap pala.

GLORIA
Talaga?

CHONA
(Titingin sa malayo) Parang kelan lang, ‘no? Walong taon ako nang una akong dalhin dito ni mommy. (Lilingon uli kay Gloria) Natatandaan mo pa ba? Bakasyon din no’n, ‘di ba?

Dissolve to:
Nasa labas na ang kamera. Naroon pa rin sila sa may bintana.

GLORIA
OO. Hindi ko makakalimutan nang muntik ka nang mahulog sa balon (tatawa) Ang likut-likot mo kasi!

CHONA
(Tatapikin sa braso si Gloria) Natatandaan mo pa ‘yon, ha?

GLORIA
Siyempre!

CHONA
At saka (sabay kukurutin sa tagiliran si Gloria)

GLORIA
Aray, (tatawa) bakit?

CHONA
May naging crush nga pala ako dito no’n. Natatandaan mo rin?

GLORIA
(Magbubuntong-hininga na parang tandang-tanda pa talaga ang lahat) Si Noel!

Dissolve to:
Nasa loob na uli ang kamera.

CHONA
Sino?

GLORIA
(Walang reaksyon ang mukha. Hindi sasagot.)

CHONA
Ibig mong sabihin, siya na ‘yon?

GLORIA
(Parang tuluyan nang nawala ang emosyon sa mukha) Siya na nga. (Lalakad palapit sa maliit na hagdan)

Dissolve to:
Nasa labas na uli ang kamera. Bumababa sa hagdan si Gloria. Nasa bintana pa rin si Chona. Tatayo sa tabi ng puno sa labas ng bahay si Gloria. Susundan siya ni Chona.

Dissolve to:
Medium Shot (Exterior)

CHONA
Gloria, huwag ka sanang magagalit, ha? Two weeks lang kaming nag-stay ni mommy dito no’n. Pero natatandaan ko, mabait naman si… Noel... di ba? (ngingiti) Siya pa nga ‘yung madalas magbigay sa akin ng bulaklak.

GLORIA
Noon ‘yon, Chona. Lahat ng bagay ay nagbabago.

CHONA
Talaga bang malaki ang galit mo sa kanya?

GLORIA
(Titingin kay Chona) Siya ang pumatay sa nobyo ko.

CHONA
(Magkikibit-balikat) Sabagay, hindi kita masisisi. Hindi ko alam ang buong nangyari. Pero gaya ng sinabi mo, lahat ng bagay ay nagbabago (tonong sinusuyo si Gloria). (a few seconds of silence) Hindi mo ba puwedeng tanggalin ang galit diyan sa dibdib mo? Nakikita ko kasi ang paghihirap sa’yo tuwing nababanggit ang pangalan niya. Mahabang panahon na ang nakalipas. (Ihaharap ang mukha niya kay Gloria)

GLORIA
(Tatanggalin ang tingin kay Chona) Ang alam ko Chona, hindi mawawala ang galit ko sa dibdib hangga’t nakikita ko ang hayop na ‘yon. (Babalik ang tingin kay Chona) Masamang tao si Noel. Masamang tao siya!

Maiiwan ang mukha ni Chona sa screen. Maghahati ang pagtataka at pagkalito.

18. Kalsada/Hapon
(Exterior)

Nakatutok ang kamera sa mga taong nagkukuwentuhan—nakapalibot sa munting lamesa na ang nasa gitna ay malaking puno ng mangga. Nakatingin silang lahat sa bahay nina Mang Teddy. May kayag-kayag itong bisita papasok sa loob ng kanilang bahay. Wala siyang ibang kapit-bahay maliban sa “lamesang-mangga” kung tawagin nila, na madalas tambayan ng mga gustong magpahinga tuwing magdadapit-hapon.

Bitbit ng dalawang inupahang mga lalake ang maraming dala-dalahan ng bisita --- si Michael --- ang lalakeng tumuloy sa hotel na ipinakita sa naunang sequence.

Excited na excited si Mang Teddy na akala mo’y bisitang kamag-anak ang dumating. Tutok na tutok naman ang mga mata ng tambay sa kanila. Lalapit ang kamera sa bahay nina Mang Teddy.

MANG TEDDY
Dali, dali! Parine, tuloy ka! Ito ang sa amin. Pagpasensiyahan mo na at medyo may kaliitan.

MICHAEL
Wala pong problema.

Isa-isang aabutin ni Mang Teddy sa dalawang kargador ang iba pang mga bagahe ni Michael. Aabutan ni Michael ng pera ang dalawa. Masayang aalis ang mga ito.

MANG TEDDY
Halika, pasok ka. (Hindi magkanda-ugaga. Kukunin ang maliit na maleta sa kamay ni Michael) Sonia! Dali at may bisita tayo!

Tuluyan nang papasok ang dalawa sa loob.

Unti-unting aatras ang kamera at makikita na muli ang mga taong nag-uumpukan kanina.

TAMBAY 1
Sino raw ‘yon?

TAMBAY 2
Ewan. Galing daw ibang bansa. Nakasabay lang ni Mang Teddy sa bangkaan.

TAMBAY 3
O? E, bakit kay Teddy natuloy?

TAMBAY 1
Suguro bakasyunista. Walang matuluyan at nagkataong si Mang Teddy ang nakakausap.

TAMBAY 3
Siguro nga.

TAMBAY 4 (babae)
Turista ! (matatawa lahat)

TAMBAY 5 (babae)
Aba’y mukhang dumadami ang bakasyunista sa lugar natin ah!

TAMBAY 4
Ke gwapo pa naman ! Sana sa amin na lang natuloy. Ahaay…!

TAMBAY 5
Naku! Ikaw talaga, basta gwapo ay!
Magtatawanan uli lahat.

cut to :


19. BAHAY NI MANG TEDDY
( Interior)

Masayang iaabot ni Aling Sonia ang tinimplang kape kay Michael na nakaupo na sa tabi ni Mang Teddy.

ALING SONIA
Ano nga ba ang pangalan mo, anak?

MICHAEL
Michael. Michael ho.

ALING SONIA
Saan ka ‘kamo galing?

MANG TEDDY
Sa Japan.

ALING SONIA
Wala ka ‘kamong kamag-anak dito?

MANG TEDDY
Wala.

ALING SONIA
(Saglit na mapapalingon sa asawa at iirap. Babaling uli kay Michael.) O, paano at napunta ka dito sa probinsiya namin?

MANG TEDDY
May nakapagsabi kasi sa kanyang Pilipino rin noong siya’y nasa Japan pa tungkol dito sa probinsiya natin. Naengganyo siya kaya dito niya naisipang magbakasyon.

ALING SONIA
Bakit, kahit ba sa Maynila, wala kang kamag-anak?

MANG TEDDY
Wala.

ALING SONIA
(Makakahalata sa asawa. Tatahimik saglit.) Teka nga! (Hahampasin sa balikat si Mang Teddy) Bakit ba ikaw ang sumasagot, ha? Ikaw ba si Michael? (hihilain ang asawa) Mabuti pang magkatay ka muna ng manok at baka nagugutom na si Michael.

MICHAEL
(Matatawa)

Akala mo’y galit na nakatitig pa rin si Aling Sonia kay Mang Teddy. Tatayo naman si Mang Teddy at magkakamot ng ulo. Babaling uli si Aling Sonia kay Michael. Biglang ngingiti.

ALING SONIA
Pasensiya ka na ha? (pipihit patalikod) Teka at lilinisin ko muna ang kuwartong tutulugan mo. Alam kong pagod na pagod ka at nang makapagpahinga ka muna pagtapos mong mag-kape.

MICHAEL
Huwag n’yo po akong alalahanin, Aling Sonia.

ALING SONIA
(Biglang mapapahinto na parang robot at haharap uli kay Michael) Nanay Sonia na lang.

MICHAEL
(mapapangiti) Sige ho, Nanay Sonia.

ALING SONIA
Hindi kasi kami nabiyayaan ng anak kaya nasasabik din akong may tumawag sa akin na nanay.

MICHAEL
(Tatango at ngingiti uli)

ALING SONIA
(Abot-tenga pa rin ang ngiti. Tatalikod at tutungo na sana sa kuwarto ngunit bigla na namang haharap kay Michael) Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko? Hindi ko pa naman nasasabi sa’yo.

Dissolve to:
Close-up ng mukha ni Michael. Mag-iiba ang hitsura. Maghahanap ng dahilan.

MICHAEL
Ah… nasabi ho sa akin ni Mang Teddy. Doon sa bangkaan.

ALING SONIA
Gano’n ba?

Maiiwan ang kamera sa mukha ni Aling Sonia na nakangiti.

20. Kalsada/Umaga
(Exterior)

Magkasabay na naglalakad si Mang Teddy at Michael. Parang isang tourist guide na inililibot ni Mang Teddy ang bisita sa buong lugar. Tumututok sa kanila ang bawat mata na madaanan. Malapit lang sila kina Mang Raul pero sa ibang daan muna isinama si Michael para doon magtapos.

Dissolve to:
May itinuturong bahay si Mang Teddy

MANG TEDDY
Ito naman ang bahay ni Mang Kadyo. Siya ang tagapag-alaga ng pinakamalaki at pinakamagarang bahay dito sa San Andres. Kaya lang, may kalayuan ang itinitukoy ko sa’yong bahay kaya hindi muna kita isinama doon. (Magpapatuloy sila sa paglalakad habang nakikinig lang si Michael) Alam mo, napakaraming kuwento sa bahay na ‘yon. Dati kasi ‘yong inupahan ng mga turistang kano. Ah! Labing-anim na taon na ang nakalipas. Ang mga walang-hiya, eh mga pedopilya pala. May mga bata ring nabiktima. At ang masaklap pa, isang bata ang nabawian ng buhay dahil sa kagagawan ng mga puting ‘yon! Kung anu-anong kahayupan pala ang pinag-gagawa sa kanila.

MICHAEL
Ano ho ba ang nangyari pagkatapos?

MANG TEDDY
Ayun! Nakatakas ang mga kano. At ang siste pa, balitang nagmumulto daw ngayon ang batang namatay. Matagal nang ibinebenta ang bahay na ‘yon pero walang bumubili dahil sa takot. (lilingon kay Michael at ngingisi) Baka malasin pa raw! Nasa ibang bansa rin kasi ang totoong may-ari n’on. Kaya pinaaalagaan na lang kay Mang Kadyo.

MICHAEL
Nasaan ho ba ang may-ari ng bahay?

MANG TEDDY
‘Yung may-ari? Matagal nang naninirahan sa Amerika. Minsan sa dalawang taon na lang kung dumalaw dito para bisitahin ang bahay. Lahat silang mag-anak ay nasa Amerika kaya parang bale-wala na rin sa kanila ang bahay na ‘yon. Hayop talaga ang mga kanong ‘yon. Akala namin noong una e ubod ng kebabait! Hamo’t ituturo ko sa’yo minsan ang itinutukoy ko sa ‘yong bahay. (Hahaba ang leeg. Natatanaw na niya si Mang Raul sa bahay nito.) Iyon nga pala ang bahay ng sinasabi ko sa’yong kumpare ko. Tumuloy muna tayo. (Biglang tatabigin sa balikat si Michael) May bisita rin sila galing naman sa Maynila. (Lalaki-laki ang mga mata) Chick!

MICHAEL
(Matatawa sa hitsura ni Mang Teddy) Talaga ho?

MANG TEDDY
(Ngiting-aso) Tisay!

21. Bahay ni Mang Raul
(Exterior)
Cut to:
Nagsisibak ng mga tuyong kahoy si Mang Raul. Matatanaw na papalapit sina Michael at Mang Teddy.

MANG TEDDY
(Nakataas ang isang kamay) Pare!

MANG RAUL
O pare! Sino ‘yang kasama mo? (sisigaw sa loob ng bahay) Lourdes, narito si kumpare, may kasama!

Susulpot sa pintuan si Aling Lourdes. Dudungaw sa bintana ng sala sina Chona at Gloria. Matatanaw sina Mang Teddy at Michael.

Dissolve to:
Medium shot nina Chona at Gloria

GLORIA
(Bubulong kay Chona) Chona, ang guwapo.

Titigil sa kinalalagyan ni Mang Raul ang dalawa.

MANG TEDDY
Si Michael nga pala. Ang nabanggit ko sa’yo kahapon na bakasyunista galing Japan.

ALING LOURDES
Ah, siya na ba ‘yon? Kumusta ka iho?

MICAHEL
Mabuti naman ho.

MANG RAUL
E, ke gandang lalake mo naman pala. Ako nga pala si Raul. (kakamayan si Michael)

MICHAEL
Magandang umaga po sa inyo.

MANG RAUL
(Kay Aling Lourdes) At ito naman ang asawa kong si Lourdes. (Ngingitian ni Michael si Aling Lourdes) Mababait kami, iho.

Panay ngiti lang ang iginaganti ni Michael.

MANG TEDDY
(Pipihit ang mga eyeballs sa dakong bintana. Bubulong kay Mang Raul) Pare…

MANG RAUL
(Lilingon sa bintana) At ito nga pala ang mga dalaga namin. Ang anak kong si Gloria at ang pamangkin kong duktor na taga-Maynila, si Chona.

Kikindat si Mang Teddy kay Michael. Susulyap naman si Michael kay Gloria. Magkakatitigan sila ni Chona.

MICHAEL
Hi! Kumusta kayo? (Pero kay Chona lang nakatingin)

CHONA
Mabuti.

ALING LOURDES
(Mapupuna ang malagkit na titigan ng dalawa. Aagaw-pansin) Ehem!

MICHAEL
(Mapapatingin kay Aling Lourdes.)

MANG RAUL
O, halika tumuloy muna kayo’t nang makapagpahinga. Dito na kayo mananghali ha?

MANG TEDDY
Aba maganda ‘yan.

Cut to:
22. Kusina/Tanghali
(Interior)

Nagasasalo-salo sila ng pananghalian sa kusina ni Mang Raul.

Cut to:

23. Likod-bahay/Tanghali
(Exterior)
Sa likod ng bahay nina Mang Raul ay naghalo ang mga puno ng bayabas, mangga, at kung anu-ano pang fruit-bearing trees. Sabay-sabay na nanunungkit sa magkakaibang puno ang tatlo.

GLORIA
(Nakatingala sa puno. Lilingon kay Michael) Ilang taon ka nga pala sa Japan?

MICHAEL
(Parang magdadalawang-isip sabihin) Almost 10 years.

GLORIA
Talaga? Mabuti naman at marunong ka pang magtagalog?

MICHAEL
Siyempre naman, Pilipino pa rin yata ako.

GLORIA
Pilipino raw!

MICHAEL
Marami rin kasi akong mga Filipino friends sa Japan. Sometimes lumalabas kami, and of course, we speak in Tagalog.

GLORIA
(Dadamputin ang bayabas na nahulog sa lupa) Pero ngayon, ini-English mo ‘ko, gano’n?

Ngingiti si Michael. Babatuhin niya si Gloria ng bubot na bayabas. Nanonood lang si Chona at panay ang ngiti.

MICHAEL
Okay! (Isasandal ang panungkit sa tabi ng puno. Isasalin sa basket ang mga tangan na bayabas. Maghuhubad ng t-shirt at isasampay ito sa naka-usling sanga)

GLORIA
O, ano’ng gagawin mo?

MICHAEL
(Itutupi ang pantalon at lalapit sa isang puno) Mahirap manungkit, aakyatin ko na lang.

GLORIA
Baka ka mahulog!

MICHAEL
(Aakyat na sa katabing puno) Sanay ako dito.

GLORIA
Sanay?

Dissolve to:
Nakamasid sa kanila sina Mang Teddy, Mang Raul at Aling Lourdes sa di-kalayuan.

MANG TEDDY
Pagmasdan mo pare, akala mo’y matagal nang magkakakilala ang tatlo.

MANG RAUL
‘Pansin ko nga pare.

ALING LOURDES
(Di mawari ang hitsura kung nakasimangot o nakangiti. Nakataas ang mga kilay.)

Dissolve to:
Close-shot ni Michael sa itaas ng puno.

Dissolve to:
Medium-shot ni Gloria. Mesmerized. Mababakas ang matinding paghanga sa mukha.

Dissolove to:
Medium-shot ni Chona. Mula sa pagkakatingala kay Michael ay lilingon ito kay Gloria.

24. Batuhan/Dapit-hapon
(Exterior)

Nakaupo sina Michael, Chona at Gloria sa batuhan. Nakatalikod sila sa kamera at parang tinatakpan nila ang palubog na araw.

GLORIA
(Kay Michael) Hindi mo pa pala nai-kuwento kung paano kang napunta ng Japan. Puro na lang kasi ang tungkol sa lugar na ito ang pinag-uusapan natin. Nakakasawa!

MICHAEL
Bakit? Maganda naman talaga itong lugar n’yo ah. ‘Di ba Chona?

GLORIA
Ang tanong ko ang sagutin mo.

MICHAEL
Ah, kung paano ako napunta ng Japan?

Cut to:
Nasa harap na sila ng kamera. Lilitaw sa kanilang background ang pagka-probinsiya ng lugar.

MICHAEL
(Titingala sa langit) Solo kasi akong anak at lumaki akong walang ama. High School ako nang mamatay ang nanay ko. Pagka-graduate ko, pinitisyon ako ng isang tiyahin na naka-base sa Japan. Doon na ako nagpatuloy ng college hanggang makatapos.

GLORIA
Ang Galing mo naman.

MICHAEL
Pagka-graduate ko, nakapagtrabaho agad ako as supervisor sa isang malaking pagawaan ng appliances.

GLORIA
Talaga? O, bakit para kang malungkot?

MICHAEL
(Biglang titingin kay Gloria. Ngingiti.) Ako, malungkot?

GLORIA
(Ngingiti rin) O, sige. Tapos?

MICHAEL
‘Yon, tumagal ako ng 3 years sa company na ‘yon. Then, namatay ang auntie ko. (Kaswal na kaswal ang pagsasalita)

GLORIA
Namatay? Nagiging interesado tuloy ako sa buhay mo. Sige, kuwento ka pa.

MICHAEL
Tama na.

GLORIA
Sige pa.

Nakangiti lang na nakikinig si Chona.

MICHAEL
(Bubungisngis na nakatingin kay Gloria. Biglang ibabaling ang mukha sa iba.) ‘Yun nga, umalis ako sa company.

GLORIA
Bakit ka umalis?

MICHAEL
Dahil marami na akong pera (bubungisngis). Hindi, biro lang. Ayoko na, nagsawa ako sa trabaho.

Dissolve to:
Close-up ng mukha ni Gloria

25. Bahay ni Mang Raul/Gabi
(Exterior)

Nakaupo na silang tatlo sa may bangkito sa labas ng bahay. Tulad ng madalas, maririnig na naman ang huni ng kuliglig na tila namamahay na yata sa paligid ng bahay nina Mang Raul.

GLORIA
Mabuti’t madali ka namang nakahanap ng trabaho?

MICHAEL
Maraming trabaho sa Japan. Madali kang makakahanap lalo’t tapos ka.

GLORIA
E, yung tungkol pala sa auntie mo? ‘Yung mga anak niya?

MICHAEL
Ah, sa auntie ko? Wala siyang anak. Siguro kaya nga niya ako kinuha. Mayaman ang auntie ko. Business-minded, kaya siguro hindi nakapag-asawa. Doon lang ibinuhos ang panahon sa negosyo.

GLORIA
‘Di ibig sabihin…

MICHAEL
(Sasaluhin ang sasabihin ni Gloria) Ibig sabihin, ako lahat ang tumanggap ng mana? (few seconds of silence) Parang gano’n na nga. Pero hindi pa rin ako masaya. Kaya naisipan kong bumalik sa Pilipinas. (Ngingiting parang may kahulugan) At makapag-asawa na rin. (Bubungisngis)

Ngingiti rin si Gloria. Halatang lalong humahanga kay Michael.

GLORIA
Sandali lang. Maiwan ko muna kayo. Titingnan ko lang ang nilagang mais, baka luto na.

Papasok si Gloria sa loob ng bahay. Maiiwan sina Michael at Chona.

MICHAEL
(Kay Chona) Napapansin ko, kanina ka pa hindi nagsasalita.

CHONA
Ako? Huwag mo ‘kong intindihin.

MICHAEL
Is there something wrong? You’re not in the mood?

CHONA
(Titingin lang kay Michael. Tatayo at lalakad bahagya. Titigil sa tabi ng isang puno)

MICHAEL
(Susundan si Chona) Did I say something wrong?

CHONA
Huwag mo ‘kong intindihin. May iniisip lang ako.

MICHAEL
Can I help? About what? Your family? Your brother? Sister?

CHONA
(Iiling)

MICHAEL
Your friends?

CHONA
(Iiling)

MICHAEL
Ah, alam ko na… (ngingisi) your boyfriend!

CHONA
(Tatapikin sa balikat si Michael) Sira.

MICHAEL
Ow? You mean wala ka pang boyfriend?

CHONA
And so? Is that a big deal?

MICHAEL
Well… (isasandig ang isang kamay sa puno. 5 seconds silence) Has somebody already told you that… that you’re pretty?

CHONA
Puwede ba, huwag mo ‘kong bolahin.

MICHAEL
Kita mo ‘to, tinatanong lang.

CHONA
Of course, my mom.

MICHAEL
(Matatawa) Marunong ka palang magpatawa. Who else?

CHONA
Who else? E, ‘di ikaw!

Magtatawanan silang dalawa.

Dissolve to:
Mapapahinto sa tapat ng pinto nila si Gloria, bitbit ang mga nilagang mais. Mapapatitig sa kanila.

Rolls back to Chona and Michael:

MICHAEL
Masayahin ka rin pala… and very educated. (Hahampasin ang kanyang noo) Dumb Michael! Of course, you’re a doctor! (Hindi pa rin titigil sa katatawa) Puwedeng ako naman ang kuwentuhan mo?

CHONA
About what?

MICHAEL
Anything… about you, about your life.

CHONA
There’s nothing interesting about my life.

MICHAEL
A doctor? I don’t believe you!

CHONA
Mister, I’m not yet a doctor. Wala pa akong lisensya.

MICHAEL
Well, you are. Doon din papunta ‘yon.

CHONA
Are you sure?

MICHAEL
Of course, I am!

Tititigan ni Chona si Michael. Magme-make-face si Michael. Matatawa si Chona. Papaluin uli siya sa balikat. Matatapilok si Michael sa pag-atras. Lalakas uli ang tawanan nilang dalawa.

Cut to:
Nakatayo pa rin si Gloria sa may pinto, tangan ang isang bandehadong nilagang mais. Nakasimangot habang nakamasid sa kanila.

GLORIA
(Pabulong) Nag-I-inglesan pa!

26. Pondohan ng mga Bangka/Umaga
(Exterior)

Sabay na naglalakad sina Michael at Mang Teddy. Masayang nagkukuwentuhan. Mapapadaan sila sa kinalalagyan ni Noel kasama ang iba pang mangingisda na nag-aayos ng lambat. Mapapahinto si Noel sa pagkakita kay Michael. Tititigan si Michael. Mapapatigil din si Michael pagkakita kay Noel, parang magugulat. Iiwas ito ng tingin. Magpapatuloy sa paglakad. Hindi pa rin babawi ng tingin si Noel. Susundan ng tanaw si Michael na may kasamang pagtataka.


27. Bahay ni Mang Raul/Tanghali
(Exterior)

Nag-uusap sa labas ng bahay sina Michael at Chona. Nakadungaw sa bintana si Mang Raul. Maya-maya namang makikita si Aling Lourdes na abala sa ginagawa.

MICHAEL
(kay Chona) Wala si Gloria?

CHONA
Maaga siya lumuwas sa bayan.

MANG RAUL
Nasa bayan si Gloria, Michael. Bumili ng pagkain ng mg manok. Wala kasing nabibilhan dito.

MICHAEL
(Titingala kay Mang Raul) Hindi ho nabanggit sa akin ni Gloria. Nasamahan ko sana siya.

ALING LOURDES
(Biglang susulpot) Naku! Hindi naman mabigat ‘yon. Maya-maya lang narito na rin si Gloria. Ito ngang si Chona, gusto ring sumama. Hindi ko na lang pinayagan at mahirap na!

MANG RAUL
Hindi bale ‘yang anak namin, sanay na sanay na dito.

MICHAEL
Gano’n ho ba?

ALING LOURDES
Halika at umakyat muna kayong dalawa.

MICHAEL
Sige po, dito na lang namin hihintayin si Gloria.

MANG RAUL
E, ano ba’ng gagawin n’yo diyan? Mabuti pa sigurong mang-ikut-ikot muna kayo para malibang.

ALING LOURDES
Naku, umakyat muna kayo’t nang makakain. Halika na!

CHONA
(Kay Michael) Halika.

28. Kalsada/Tanghali
(Exterior)

Magkasabay na naglalakad sina Chona at Michael. Tinitingnan sila ng bawat taong madaanan. May mga magbubulungan. Mayroon namang bakas ang paghanga sa mga mukha, animo’y mga artista ang nakikita. Sinusundan sila ng kamera. Walang katiyakan kung saan ang punta.

MICHAEL
Ang bait talaga ng mga tiyuhin mo ‘no?

CHONA
Mababait talaga sila. Hindi ako magtatagal dito kung hindi.

MICHAEL
Ow?

CHONA
Ano’ng ow? Kung hindi sila mababait, lalong hindi ako mapupunta dito.

MICHAEL
At hindi tayo magkakakilala?

CHONA
(Ngingiti) E, ano naman ngayon?

Dissolve to:
Nakatayo sila sa ilalim ng isang puno.

MICHAEL
Alam mo Chona, matagal kong kinasabikan ang ganitong lugar.

CHONA
Sino ba? Ako rin naman a! Kaya nga after I graduated, ito kaagad ang hinanap ko.

MICHAEL
Ang ganda ‘di ba? (titingin sa malayo) Magtatagal ka kaya dito…?

CHONA
Ewan, hindi ko masasabi.

MICHAEL
Bakit ewan? Kapag ako ang tinanong mo, ang isasagot ko, oo magtatagal ako dito.

CHONA
Ikaw ‘yon. Basta ang masasabi ko lang sa ngayon, wala pa akong balak umalis dito.

MICHAEL
(Ngingiti. Halatang natutuwa.)

Dissolve to:
Naglalakad pa rin sila—ngayon ay sa daan na maraming talahib.

CHONA
…huwag ka sanang magagalit. Nabanggit mo kasi dati ang tungkol sa mga magulang mo. Taga saan ba sila?

MICHAEL
(Biglang may ituturo sa itaas) Look! Ang ganda ng ibon na ‘yon o!

Cut to:
Lumilipad na ibon na itinuro ni Michael. Maya lang naman. Titingala si Chona. Iirap sabay ngiti. Babaling uli kay Michael.

CHONA
Nakakatuwa ka naman! Ngayon ka lang ba nakakita ng Maya?

MICHAEL
(Matatawa)

CHONA
Ano ba ang province n’yo?

MICHAEL
(Hahabulin uli ng tingin ang ibon kahit wala na) Mahilig ka rin ba sa mga ibon?

CHONA
(Magkikibit-balikat dahil parang hindi siya narinig ni Michael)

Biglang masasabit ang isang paa ni Chona sa bunton ng halaman. Maagap siyang aalalayan ni Michael. Magsasalubong ang kanilang tingin habang nakahawak si Michael sa mga braso niya.

Cut to:
29. Batuhan/Hapon
(Exterior)

Nakatayo si Gloria sa batuhan. Hinahanap sina Michael at Chona. Kaliwa’t kanan ang tingin. Nakasimangot. Lalakad. Hihinto. Lalakad. Hihinto. Magbubuntong-hininga.

Cut back to Michael and Chona

30. Munting Kainan sa Palengke

Nakarating na ang dalawa sa palengke. Kumakain ng halo-halo at kakanin.

CHONA
Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina.

MICHAEL
Alin doon?

CHONA
Ang tanong ko, saan ang province ng mga parents mo?

MICHAEL
(Lulunok) Parents ko? (tatahimik)

CHONA
(Susulyap kay Michael) Well, it seems to me that you don’t want to talk about your parents. (Magkikibit-balikat) It’s fine.

MICHAEL
(Susulyap din kay Chona) I’m sorry. After my mother’s death ayoko na kasing pag-usapan ang tungkol sa kanila.

CHONA
(Ngingiti) It’s fine. I understand.

MICHAEL
(Tatahimik saglit) Anyway, tag-province sila (ngingiting-pilyo)

CHONA
(Matatawa)

Dissolve to:
31. Batuhan/Hapon
(Exterior)

Papalubog na ang araw. Dahan-dahang bababa ang kamera at makikita na uli sina Michael at Chona na nakaupo sa batuhan.

CHONA
Sorry nga pala kanina.

MICHAEL
Sorry saan?

CHONA
Dahil sa curiosity ko, naipalala ko sa’yo ang ayaw mo nang balikan.

MICHAEL
Ako nga dapat na mag-sorry sa’yo eh. Baka na-offend kita.

CHONA
Of course not! Naiintindihan kita, Michael. Wala kang dapat alalahanin.

Medium Shot sa dalawa.
Hihinto si Michael. Tititigan si Chona nang malagkit.

CHONA
What’s wrong? (Magtataka)

MICHAEL
(Ngingiti) Nothing. Maganda ka pala talaga.

CHONA
Matagal ko nang alam.

MICHAEL
(Hindi hihiwalayan ng titig si Chona)

CHONA
(Parang maiilang. Tatapikin sa balikat si Michael at tatayo) Halika na. Lumulubog na ang araw.

Aalalayan ni Michael si Chona sa pagbaba sa batuhan.

32. Bahay ni Mang Raul/Gabi
(Exterior)

Nagluluto ng hapunan si Gloria sa kusina nila sa labas. Naghihiwa ng gulay si Aling Lourdes sa maliit na mesa. Nasa loob si Mang Raul.

ALING LOURDES
(Kay Gloria) Maluluto na ba ‘yan?

GLORIA
(Hindi sasagot)

ALING LOURDES
Hoy, ano ka ba? Kanina ka pa hindi umiimik ha.

GLORIA
Malapit na.

Maririnig ang tawanan nina Michael at Chona mula sa malayo. Mapapalingon si Gloria.

Cut to:
Nasa harap na ng bahay ang dalawa. Nakatayo sa tabi ng puno.

CHONA
Ikaw talaga. You have plenty of jokes. Kalog ka talaga!

MICHAEL
Meron pa…

CHONA
He! I-reserve mo na lang next time. Baka maubusan ka na.

MICHAEL
(Unti-unting tatahimik) Paano? I hope, bukas uli.

CHONA
Ano’ng bukas uli? Kung saan-saan mo na nga ako dinala!

MICHAEL
(Tititig kay Chona, may kahulugan)

CHONA
Oo na. Ikaw talaga…

MICHAEL
Okay, bye. (Mapapatingin sa bahay. Makikita si Gloria sa labas ng rear side ng bahay doon sa kusina nila sa likod) Gloria? Hi! Nandiyan ka pala.

Medium shot ni Gloria. Ngingiti.

Cut back to Michael and Chona

Dadako ang kamera kay Aling Lourdes.

ALING LOURDES
Uuwi ka na ba kaagad? Pumarine ka muna at nang makakain.

MICHAEL
(Pasigaw para marinig ni Aling Lourdes) Magandang gabi ho! Kina Tatay Teddy na lang po ako maghahapunan. Nakakahiya na ho sa inyo.

ALING LOURDES
(Pasigaw din) Ito naman, oo. Halika na’t maluluto na ang ulam.

MICHAEL
Maraming salamat na lang po uli. Inihatid ko lang po si Chona. Baka hinahanap na rin ako sa kabila.

ALING LOURDES
Sige, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka na lang sa daan.

MICHAEL
Oho. Salamat ho. (Kakaway kay Gloria. Babaling muli kay Chona)
Paano, Chona? Bukas uli ha?

CHONA
Sige, bye.

MICHAEL
Bye! (Lalakad palayo)

Dissolve to:
33. Kuwarto nina mang Raul/Gabi
(Interior)

Magkatabing natutulog sina Mang Raul at Aling Lourdes. Dadantay ang isang kamay ni Mang Raul sa asawa. Tatanggalin ito ni Aling Lourdes at tatagilid. Dadantay uli si Mang Raul. Tatanggalin na naman ni Aling Lourdes. Dadantay na naman si Mang Raul. Bahagyang magmumulat ng mata si Aling Lourdes. Galit. Babangon at papaluin sa braso ang asawa. Hihiga siya uli at pipikit. Sisimangot si Mang Raul. Tatagilid. Pipikit na rin.

Dissolve to:
34. Sala
(Interior)

Nakadungaw sa bintana si Gloria. Parang malalim ang iniisip. Darating si Chona, galing sa kanilang silid at tatabihan siya.

CHONA
Bakit hindi ka pa natutulog?

GLORIA
(Hindi titingin kay Chona) Hindi pa ako inaantok.

CHONA
May iniisip ka ba?

GLORIA
Wala

CHONA
(Ngingiti. Kakalibitin si Gloria sa tagiliran para kilitiin) Hu, may iniisip ka eh!

GLORIA
(Bahagyang sisimangot) Wala sabi e!

CHONA
(Magtataka sa reaksiyon ni Gloria. Magkikibit-balikat. Tatanaw sa labas.) Gusto mo, magkuwentuhan muna tayo?

GLORIA
Saka na lang. Inaantok na ako e! (Biglang tatalikod at papasok sa silid.)

Medium shot ni Chona. Takang-taka.

35. Kapilya/Umaga
(Interior)
Nagsesermon na ang pari sa kapilya ng San Andres. Matanda na ang Kura Paroko. Napakabagal at paos na itong magsalita. Marami rin ang hindi na nakikinig sa kanya dahil hindi naman siya maintindihan. Habang patuloy siya sa mabagal na pagsermon, mabagal ding sinusuyod ng kamera ang loob ng maliit na kapilya.

Magtatawanan ang tatlong magkakatabing dalaga na nakaupo sa unang pew. Magkakalabitan at yuyuko para hindi mapansin ng matandang pari.

PARI (off screen)
Kaya kayong mga magulang…(uubo) pangalagaan ninyong mabuti ang inyong mga anak… dahil kayo… ang kanilang magiging gabay… sa kanilang paglago…

Kakalibitin ng matandang babae ang isa sa mga dalaga sa kanyang unahan. Sesenyasan ito. Sisimangot ang dalaga. Tatahimik saglit. Maya-maya’y magtatawanan na naman sila. May sisitsit sa gawing likuran. Tatahimik na naman ang tatlo ngunit pigil pa rin ang tawanan. Magpapatuloy sa kanyang sermon ang pari.


PARI (off screen)
…ipakita sa kanila… (uubo na naman) ipakita ninyo sa kanila ang wastong pagkalinga at pagmamahal… at ituro… ang tamang pamantayan sa buhay sa paraang maka-Diyos…

Biglang may batang iiyak. Maririnig ang lakas ng pag-iyak nito sa buong kapilya. Titigil sa pagsesermon ang pari. Lalapit sa kanya ang kamera.

PARI
(Sa ina ng sanggol) Ilabas mo muna ang sanggol, ginang. Naaabala ang ating misa. (uubo)

Titindig ang inang may kargang bata at lalabas. Pupuntahan uli ng kamera ang mga dalagang naghaharutan. Magtitinginan sa isa’t-isa at maghahagikhikan na naman ang mga ito. Sa gitna ng mga upuan ay may isa namang bata na panay ang takbo. Kanina pa ito nakikita ng pari. Mapapailing na lang ito. Magpapatuloy uli siya sa pagsesermon.

PARI
Nasaan na ho ba ako? (uubo) Ah, kaya kayong mga magulang, mahalin ninyo… ang inyong mga anak… turuan sila… ng tamang asal. Kayo ang kanilang magiging gabay sa kanilang paglaki… upang maituro rin nila… sa mga susunod na henerasyon… ang butil ng kabutihan… na itinanim ninyo… sa puso nila.

Habang nagsasalita ang pari, hahagilapin naman ng kamera sina Gloria at Chona na nakaupo naman sa bandang gitna. Titigil sa harap nila ang kamera. Hihina ang mabagal at paos na boses pari.

GLORIA
(Kay Chona pero sa pari nakatingin) Pasensiya ka na nga pala sa akin kagabi ha?

CHONA
(Susulyap kay Gloria) Pasensiya saan?

GLORIA
Sa inasal ko. Marami kasi akong iniisip eh! Hindi ko na malaman kung anong gusto ko. Naaasiwa na kasi ako sa buhay ko eh!

CHONA
Bakit naman?


GLORIA
Alam mo naman ang kalagayan namin, ‘di ba? Nagsasawa na ako sa paulit-ulit kong ginagawa. Gusto ko, magbago naman ang buhay namin.

CHONA
(Ngingiti lang. Hahawak sa kamay ni Gloria)

GLORIA
(Matagal bago makapagsalita muli. Makikinig saglit sa pari.) Gusto kong makapag-asawa ng mayaman Chona. Sawa na ako sa hirap.

CHONA
Gusto mo si Michael?

Hindi sasagot si Gloria. Nakatingin pa rin sa pari.
Dadako saglit ang kamera sa pari. Mauubo na naman ito, matagal bago makabawi. Magtatawanan na naman ang tatlong dalaga sa harap. May sisitsit na naman sa likod nila.

GLORIA
Sa’yo may gusto si Michael. ‘Sabagay, bagay naman talaga kayo eh. Siguro talaga lang hindi pa dumarating ang tamang lalaki para sa akin. ‘Yung mag-aahon sa akin sa hirap. (Parang nahihiya sa sinasabi)

CHONA
(Matatawa) Walang motibo sa akin si Michael.

GLORIA
Hindi mo ba nahahalata? May gusto siya sa’yo.

CHONA
Tingin mo lang ‘yon.

Magkakalembang na ang sakristan.

LECTOR
Magsi-tayo po ang lahat.

Magsisitayo ang mga tao. Pipihit ang kamera sa may pinto ng kapilya at makikitang dumarating si Noel. Didiretso ito sa lagayan ng Holy water at magtatandang-krus. Tatayo sa isang gilid at makikiisa na rin sa mga nagdarasal. Hindi niya mapupuna sina Gloria at Chona.

Dissolve to:
Tapos na ang misa. Maglalabasan na ang mga tao. Nakatayo pa rin si Noel sa tabi ng pinto. Madadaanan siya nina Chona at Gloria. Magkakatinginan sila pero gano’n lang.

36. Kalsada/Umaga
(Exterior)

Binabaybay nina Gloria at Chona ang daan pauwi. Kagagaling lang nila sa pagsisimba. Gugulatin sila ng isnag senaryo sa daan. Kinukumpronta ng isang nanay ang kanyang anak na lalake, mga sampung taong gulang. Galit na galit ang hitsura ng ina habang nakatingala sa taas ng puno. Umakyat doon ang kinakastigong anak dahil natakot sa mahaba at matigas na patpat na hawak ng ina.

INA NG BATA
Bumaba ka diyan, punyeta ka! (Pupukulin ng maliit na bato ang anak) Baba!

BATA
(Umiiyak. Takot.) Nay, hindi ko naman po sinasadya eh!

INA NG BATA
Hindi sinasadya? Pakialamero ka kasi kaya nabasag. Bumaba ka dito at nang magtanda kang bata ka! Kulang pa ‘yan…! Hala, baba! (Pupukulin uli ng maliit na bato) Bumaba ka sabi eh!

Kapit na kapit ang mga kamay ng bata sa puno.

Mapapahinto sina Gloria at Chona.

INA NG BATA
Hindi ka talaga bababa diyan?! Lalo mo akong ginagalit ah!

Kukuha ang ina ng mas malaking pambato at ipupukol uli sa anak. Sa pag-ilag ay mahuhulog ito. Mabibigla lahat ang mga taong nagdaraan. Naroon na rin si Noel at nasaksihan ito. Agad na tatakbo upang sumaklolo.

Hahagulgol bigla ang ina ng bata. Nabigla sa nangyari.


INA NG BATA
Anak… Hindi ko sinasadya…!

Maglalapitan ang ilang tao. Akmang bubuhatin ni Noel ang batang nawalan ng ulirat pero pipigilan siya ni Chona. Titingnan ang bata.

CHONA
(Lalapit sa bata) Sandali.

GLORIA
(Sa ina ng batang nahulog) Duktor siya.

CHONA
(Bubuksan ang butones ng damit ng bata)

INA NG BATA
(Kay Chona) Ano’ng ginagawa mo?

CHONA
Nasa stage ho ng shock ang anak n’yo. Kailangan niya muna ng first aid.

Susunuka muna ni Chona na ilagay ang bitbit niyang bag sa likod ng bata para ma-elevate ang puso nito nang mas mataas sa utak-- ganitong posisyon para ma-promote ang blood circulation sa utak. Lilingon siya sa mga tao.

CHONA
Wala ho bang may folding bed sa inyo?

Pagkatapos ay uusisain naman ni Chona ang bata at mapapansin na may dislocation ito sa tuhod.

CHONA
Tela. Kailangan ko ng telang panali.

INA NG BATA
(Magpa-panic. Lilinga-linga.) Tela! Tela raw!

Walang makapagbigay kaagad ng tela. Tangkang pupunit ang ina sa kanyang duster per mabilis na huhubarin ni Noel ang suot na lumang long sleeves. Pupunit-punitin niya ito at iaabot kay Chona. Magsasalubong ang mga mata nila.

Aabutin ni Chona ang mahabang patpat na hawak ng ina ng bata kanina. Hahatiin niya ito sa gitna pero hindi niya kaya. Kukunin ito ni Noel at siya ang maghahati. Iaabot uli kay Chona.

First aid treatment ang ginagawa ni Chona. Ika-cast ang tuhod ng bata, gamit ang matigas na patpat at telang pinunit-punit ni Noel.

INA NG BATA
(Kay Chona) Bakit?

CHONA
May dislocation ho sa tuhod. Kailangang hindi magalaw.

Maya-maya’y maririnig na umuungol ng bata.

INA NG BATA
(Sa anak) Cesar, Cesar? (Hahawakan ito sa pisngi) Cesar, anak. Hindi na ako galit, anak.

CHONA
(Kay Chona) Puwede na ho siyang dalhin sa ospital.

GLORIA
(Kay Chona) Isa lang ang ospital dito Chona. Pero malayo, nasa bayan pa.

INA NG BATA
Kahit malayo, kailangang magamot ang anak ko.

Biglang paparahin ng ina ang napadaang kakarag-karag na jeepney. Hihinto ang jeep sa tapat nila.

CHONA
Sandali. Hindi ho puwedeng basta lang buhatin si Cesar. Kailangan natin ang stretcher, baka may bali pa siya sa ibang parte ng katawan. Kung walang stretcher, kahit ano’ng kapareho nito.

Bigla namang tatakbo ang nanay sa bahay nila na malapit lang. Lalapit si Chona sa bata para aluin ito.

CHONA
(Sa bata) Tahan na. Magagamot ka na. Ano pa ang masakit sa’yo?

Uungol lang ang bata. Pupunasan ni Chona ang luha nito.

Darating naman agad ang ina nito. Kasama na ang mas matandang anak. Bitbit nila ang magaang na folding bed at katulong si Noel. Dahan-dahan nilang ililipat dito ang bata. Dadamputin ni Chona ang kanyang bag.

KAPATID NG BATA
Ano ba ang nangyari?

INA NG BATA
(Sa driver) Ihatid mo kami sa ospital. Dadalhin namin sa ospital ang anak ko.

KAPATID NG BATA
‘Nay wala tayong pera.

Mapapayuko ang ina. Iiyak. Parang sising-sisi. Dudukot naman si Chona sa kanyang wallet at aabutan ng isang libong piso ang ina ng bata.

INA NG BATA
Ano ito?

CHONA
Makakatulong ‘yan. Kailangan din kasing ma-x-ray ang anak ninyo.

INA NG BATA
(Yayakap kay Chona) Salamat, salamat, dok.

Magmamadali na nitong isasakay sa jeep ang anak na ngayon ay kampante na sa improvised na stretcher. Katulong ng ina ang mas matandang anak at dalawa pang lalaking kamag-anak din yata. Kakaway pa uli ang nanay ng bata kay Chona.

INA NG BATA
Maraming salamat ho uli, dok (habang patuloy pa rin sa pag-iyak).
GLORIA
Ingatan n’yo na ho uli ang anak n’yo (parang galit).

Pilit ang ngiti ni Noel. Parang naiilang. Pipihit na rin ito pauwi.

37. Bahay ni Noel/Umaga
(Interior)

Dadatnan ni Noel ang kanyang ina na nakaupo sa bangkito. Susulyap lang siya dito. Didiretso sa maliit na kusina at magbubungkal ng pagkain.

Bubuksan niya ang nakatakip na kaldero. Tirang pagkain pa rin kahapon ang naroroon. Lilingon sa kanya ang ina. Papasok si Noel sa kanyang kuwarto at magsusuot ng t-shirt. Dadaanan muli ang ina. Walang imik-imik na aabutan ito ng beinte pesos. Lalabas.

Susundan siya ng kamera hanggang sa labas ng bahay. Lilinga-linga sa paligid. Hindi alam kung saan pupunta.

38. Laot/Umaga
(Exterior)

Mag-isang nagsasagwan ng bangka si Noel. Titigil siya sa gitna ng laot. Doon, parang sarili niya ang daigdig. Nakaupo pa rin siya pero malalim ang iniisip. Maghuhubad siya ng suot at tatalon sa dagat. Lalangoy-langoy siya sa tabi ng bangka. Aahon uli at uupo na naman sa bangka. Parang hindi malaman kung ano talaga ang gagawin. Bigla na lang itong iiyak. Parang may kinikimkim na saman ng loob, o galit, o pagsisisi sa kanyang dibdib. Sisigaw siya dahil wala namang makakarinig sa kanya. Malakas. Malakas na malakas.

39. Bahay nina Mang Teddy/Tanghali
(Interior)

Nag-aayos ng mga gamit niya si Michael. Nakabukas ang pinto ng silid niya kaya nagkakakitaan at nakakapag-usap sila nina Mang Teddy at Aling Sonia na naroon naman sa sala ng bahay. Nananahi ng damit si Aling Sonia habang nasa harap naman ng salamin si Mang Teddy, kaliligo lang.

MANG TEDDY
(Kay Michael) Masaya ba sa Japan, Michael?

MICHAEL
Ah… masaya rin.

ALING SONIA
(Kay Michael) Mabuti naman at naisipan mong magbakasyon sa Pilipinas. Eh ang init-init dito. ‘Di ba sa Japan, malamig? Hindi mo na kailangang maglagay ng kung anu-ano sa mukha para magpa-guwapo.

MANG TEDDY
(Sa asawa) Aba… mukhang ako yata ang pinariringgan mo ha!

ALING SONIA
(Matatawa)

MICHAEL
(Kay Mang Teddy) Mahilig ho ba kayo sa pabango, Tatay Teddy?

ALING SONIA
Naku…! Hindi lang mahilig…! mahilig na mahilig!

MANG TEDDY
‘Kita mo ‘to, at ibinubuko ako.

MICHAEL
Gano’n ho ba Nanay Sonia? May mga dala kasi ako’ng pabango dito. (May kukunin sa maleta. Tatayo at iaabot ang nasa kaliwang kamay niya kay Mang Teddy.) Ito ho, Farenheit. Mabango ‘yan.

MANG TEDDY
Para sa akin? Aba…

MICHAEL
(Kay Aling Sonia) May mga nadala rin akong pambabae (Iaabot ang nasa kanang kamay kay Aling Sonia) Ito ho, para sa inyo Nanay Sonia.

ALING SONIA
Talaga? Hindi yata ako sanay sa mamahaling pabango. (Matatawa at papaluin sa balikat ang asawa)

MANG TEDDY
Naku! Matagal na rin itong hindi nawisikan ng mamahaling pabango. Noon pang mga taon na may naging kaibigan akong mga puti.

MICHAEL
Mga puti?

MANG TEDDY
Mga kano, ang ibig kong sabihin. (Tatawa) Hindi ba’t nabanggit ko sa’yo dati na may mga turistang kano dito noon?

MICHAEL
(Papakla ang ngiti. Babalik ding muli ang sigla) Ah, sandali, meron pa pala. (Kakalikot sa isa niyang kahon) Ito ho’ng mga sabon, toothpastes… ah, itong mga lotion, ilalabas ko na ho’ng lahat. Kayo na ho ang bahala diyan.

MANG TEDDY
(Tuwang-tuwa ang mukha) Napakadami naman niyan. Baka naman wala ka nang gamitin?

MICHAEL
Sige lang ho. Pero itong iba, ibibigay ko kina Mang Raul. Pero mas mabuti ho siguro kung kayo na ang maghahatid. Nahihiya ako eh.

MANG TEDDY
O, eh bakit ka naman mahihiya? Akin na at idadaan ko na lang sa kanila (May mapupuna) Aba, ang dami mo palang dalang tsokolate. Akala ko’y naubos na naming lahat noong unang araw mo dito. (Tatawa ng malakas)

MICHAEL
Ngayon ko lang kasi nabuksan itong isang kahon.

MANG TEDDY
Gano’n ba?

ALING SONIA
(Kay Mang Teddy) O, sige na. Tumuloy ka na ay idaan mo na rin ‘yan kina mare. Tiyak na matutuwa ‘yon.

MANG TEDDY
O, paano Michael? Luluwas muna ako sa bayan at magpapasama ako kay Pareng Raul na tumingin ng motor ng bangka. Idadaan ko na rin tuloy ito sa kanila.

MICHAEL
Teka ho. (May kukuning pera sa maleta niya. May kakapalan ito. Ilulupi at iaabot kay Mang Teddy) Kunin n’yo ho ito.

MANG TEDDY
(Magugulat) Ha?! Ano ‘to? (pero nakangiti)

MICHAEL
Magagamit n’yo ho ‘yan.

MANG TEDDY
Nakakahiya naman sa’yo. Ang laking halaga nito.

MICHAEL
Kunin n’yo na. Alam kong kailangan n’yo ‘yan.

MANG TEDDY
(Titingin sa asawa)

ALING SONIA
(Ngingiti) Salamat, Michael.

40. “Lamesang-Mangga”/Hapon
(Exterior)

Pinanonood ni Michael ang dalawang batang naghihilaan ng kapirasong laruan. Lalapitan niya ang mga ito at kukunin sa isang bata ang pinag-aawayan.

MICHAEL
Kanino ba ito? (Itataas ang tau-tauhan)

Halos sabay na sasagot ang dalawang bata, “sa akin”

BATA 1
Sa akin ito. Napulot ko ‘to sa ilalim ng lamesang-mangga ah!

BATA 2
Ito ang nawawala kong tau-tauhan eh!

Akmang papaluin ng bata 1 ang bata 2. Hahawakan ni Michael ang kamay nito. Ngingiti. Panonoorin sila ng isang ginang na bigla na lang uupo sa lamesang-mangga. Bigla na lang sumulpot. Hindi alam kung saan galing. Hindi rin ito mapapansin ni Michael.

MICHAEL
Sandali, sandali. Huwag na kayong mag-away. Sa akin na lang itong laruan at bibigyan ko kayong dalawa ng pera. Okey ba ‘yon?

Sarkastiko ang mukha ng isang bata. Dudukot si Michael sa bulsa. Bibigyan ng tigli-limang daan ang dalawang bata. Biglang sasaya ang mukha ng mga ito. Parang hindi makapaniwala.

BATA 2
(Sa bata 1) Ang dami nito, Potpot. (Babaling muli kay Michael) Mayaman ka siguro?

Gulat na gulat din ang mukha ng ginang na nakakita. Hahaba ang leeg.

MICHAEL
O, sige na. Huwag na kayong mag-away ha.

Sabay na tatakbo ang dalawang bata. Masayang-masaya. Titingnan ni Michael ang laruan sa kamay niya. Nakangiting hahabulin ng tingin ang dalawang bata. Pagkatalikod niya ay makikita niya ang babae. Magkukunwa naman ang na walang nakita. Titingin sa malayo.

41. Talahiban/Hapon
(Exterior)

Mabagal na mabagal ang lakad ni Michael sa lugar na maraming talahib. Hinahawi ng bitbit niyang sanga ang bawat talahib na nakaharang sa daan.

Hihinto siya. Tatanaw nang napakalayo. Parang may hinahanap pero wala naman. Malungkot ang mukha.

42. Batuhan/Hapon
(Exterior)

Nakaupo si Michael sa isang malaking bato. Pinapanoon niya ang mga alon. Malungkot pa rin ang mukha niya pero ngayon ay parang nahaluan na ng galit. Mangingilid ang luha sa mga mata niya pero isu-supress niya ito. Tutulo pa rin ang luha pero agad naman niya itong papahirin. Maya-maya, may ihahagis siya sa dagat-- ang laruang kinuha niya sa mga bata. Lulutang ito sa mga alon. Pagkatapos no’n ay tatayo na ito para umalis. Malapit na ring lumubog ang araw.

Malayo na si Michael. Babalik ang kamera sa laruan na nilalaro pa rin ng mga alon. Dadamputin ng isang kamay. Si Noel. Kanina pa pala siya pinagmamasdan. Hahabulin na lang niya ng tanaw si Michael.

43. Bahay nina Mang Teddy/Umaga
(Exterior)

Nasa labas ng bahay nila sina Mang Teddy at Michael. Nagtatahi ng lambat si Mang Teddy habang pinapanood lang siya ni Michael na nakaupo sa mahabang bangko.

MANG TEDDY
(Lilingunin si Michael) May nakakita raw sa’yo kahapon na binigyan mo ng pera ang dalawang bata diyan sa lamesang-mangga?

MICHAEL
‘Yon? Wala ho ‘yon.

MANG TEDDY
Ang sa akin ay payo lamang. Huwag mo sanang sasanayin ang gano’n at baka pamihasain ka ng mga bata dito. Baka pati mga magulang ay maglapitan sa’yo.

MICHAEL
Natuwa lang ako sa kanila.

MANG TEDDYMalaking halaga raw ang binigay mo. Huwag ka sanang masyadong galante sa kung sino lang diyan sa labas. Limang piso lang ay napakalaki na para sa mga batang ‘yon.

Mag-iiba ang hitsura ng mukha ni Michael pero hindi mapupuna ni Mang Teddy.

44. Bahay nina Mang Raul/Umaga
(Interior)

Pawis na pawis si Gloria. Nilalampaso niya ang sahig. Maya’t-maya siyang sinusulyapan ni Chona na tumitingin naman sa nilulutong kanin sa kusina. Babalik siya sa katabing mesa para ihanda na ang almusal. Parang hindi siya mapakali. Itataob niya ang mga plato at baso at lalabas mula sa kusina. Kukunin niya ang trapo na nakapatong sa tabi ng bintana sa sala at magsisimulang punas-punasan ang mga lumang muwebles. Mapupuna siya ni Gloria. Aawatin siya nito.

GLORIA
Naku, Chona. Bitiwan mo ‘yan, ako na ang gagawa n’yan.

Ngingiti si Gloria pero mangingimbabaw pa rin sa mukha ang pagod.

CHONA
Sige na, at kayang-kaya ko ‘to. Sanay na ‘ko dito.

Lalabas mula sa kuwarto nila si Aling Lourdes bitbit ang mga labahan. Naririnig pala sila.

ALING LOURDES
Naku, Chona. Kaya na ni Gloria ‘yan.

Nakangiti rin si Aling Lourdes. Kukunin niya kay Chona ang basahan at ilalapag ito sa bakanteng upuan.

ALING LOURDES
Hindi mo kailangang gawin ‘yan dito. Bisita ka namin.

CHONA
Hindi na ho ako bisita, auntie. Hayaan n’yo hong tulungan ko si Gloria.

ALING LOURDES
Naku, mabuti pa sigurong tumigil muna kayo diyan at nang makapag-almusal na tayo. Gloria, tawagin mo na ang tatay mo sa labas.

Tutugon naman kaagad si Gloria at lalabas.

GLORIA
Oho.

ALING LOURDES
(Kay Chona) Halika sa kusina.

Itatabi ni Aling Lourdes ang mga labahan sa isang gilid at papasok sa kusina. Susunod si Chona.

Ibubukas uli ni Aling Lourdes ang mga plato at basong itinaob ni Chona. Lalapit naman uli si Chona sa sinaing at mag-uumpisa na itong sandukin.

ALING LOURDES
May ginamot ka palang bata noong isang araw? (Ngingiti kay Chona) Kagabi lang nabanggit ni Gloria. Narinig ko rin sa labas.

CHONA
Nilapatan ko lang naman ng first aid, auntie.

Susulpot na si Gloria kasunod ang ama. Didiretso sa hugasan ng kamay si Mang Raul.

MANG RAUL
Mukhang masarap ang almusal natin ngayon ah!

ALING LOURDES
(Kay Chona) Ano ba ang nagyari?

CHONA
Nahulog kasi sa puno.

ALING LOURDES
O, Eh, bakit nahulog?

Sasabad si Gloria. Pawisan pa rin. Pupunasan ng kanyang duster ang kanyang mukha.

GLORIA
Naku! Habulin ba naman ng palo ng nanay. Ayun, umakyat sa puno dahil sa takot. Sukat ba namang batuhin. Yon! Nahulog!

MANG RAUL
Bakit kaya hindi ka na lang magtayo ng klinika dito, Chona?

GLORIA
(Tutulong na maghanda sa hapag) Oo nga. Tutulong ako sa’yo. Ako ang magiging nurse mo. (Matatawa)

CHONA
Hindi naman gano’n kadali ‘yon eh.

MANG RAUL
Ano’ng malay natin?

ALING LOURDES
Iisa lang ang clinic dito. Hindi pa magaling ang doktor! Naku, ang mahal pang maningil! Tiyak, kapag dito mo naisipang magpatayo ng klinika, sa’yo na pupunta ang mga tao.

CHONA
(Ngingiti) Sige na ho. Kumain na tayo.

Sabay-sabay na silang uupo sa mesa.

ALING LOURDES
Puwede kang magtayo dito sa bakanteng lote sa harap ng bahay. Malaki-laki rin ang lupang ‘yan.

CHONA
(Ngingit uli)
Kakain na silang apat.

45. Pondohan ng mga Bangka/Hapon
(Exterior)

Inabot na nang hapon sa pagtatahi ng mga lambat ang limang mangingisda. Kabilang sa kanila si Noel. Darating sina Gloria at Chona para mamalengke. Inginuso ng isang mangingisda kay Noel si Gloria.

MANGINGISDA 1
Pare, si Gloria, parating.

MANGINGISDA 2
Sa tuwing haharap sa atin ang babaeng ‘yan eh, lagi na lang nakairap.

MANGINGISDA 3
Ganyan naman talaga ang mga palay kapag hindi pinapansin ng manok, lalong tumutuyo.

Magtatawanan silang lahat.

NOEL
Huwag kayong maingay, baka marinig kayo.

MANGINGISDA 1
Ito naman oo, ligawan mo na kasi. Basta sa akin na lang ang isa. ‘Yon, yung “wayt leghorn.”

MANGINGISDA 3
Baka hindi mo alam, doktor ‘yon pare! Baka hindi makatiis sa lansa ng amoy mo. Amoy… galunggong!

Magtatawanan uli sila.

MANGINGISDA 1
Aba, doktor din naman ako ah, doktor ng mga lambat! (Itataas ang lambat na tinatahi) Kita n’yo?!

Mapapalakas ang tawanan nila. Mapapansin ni Gloria na sa kanila sila nakatingin. Lalapit ito at magtataray.

GLORIA
Kami ba ang pinagtatawanan n’yo?!

Tatahimik silang lahat. Babalik sa ginagawa. May magpipigil ng tawa. Si Noel naman ay seryoso pa rin ang mukha.

GLORIA
O, bakit hindi kayo magtawanan ngayon? Nakakapikon kayo a!

CHONA
(Lalapit kay Gloria. Hihilain ito) Halika na.

GLORIA
Ang mga damuhong ito… peste! Kung wala kayong magawa, magsitulog na lang kayo. Doon kayo magtawan sa mga bahay n’yo!

Tuluyan nang lalayo ang dalawa pero bubulong-bulong pa rin si Gloria.

NOEL
Sinasabi ko na sa inyo eh.

Pigil pa rin ang tawa ng mga kalalakihan.

46. Bahay nina Mang Teddy/Gabi
(Interior)

Nakadungaw sa may bintana si Michael. Sa liwanag ng buwan, pinapanood niya ang dalawang batang naglalaro sa tabi ng lamesang-mangga. Sila ang dalawang batang binigyan niya ng pera. Makikita niyang masaya ang mga ito, hindi na nag-aaway. Mapapangiti siya.

Masusulyapan siya ng isang bata. Matamis na matamis nitong ngingitian si Michael. Gaganti naman ng ngiti si Michael. Maya-maya ay magtatakbuhan na muli ang mga ito palayo.

Tutungo ang kamera sa silid nina Mang Teddy. Natutulog na si Aling Sonia. May kinakalikot naman si Mang Teddy sa loob ng aparador. Panay ang sulyap niya kay Aling Sonia. Parang ingat na ingat upang huwag itong magising.

May bubuksan si Mang Teddy sa loob ng aparador. Parang sikreto. Parang siya lang ang nakakaalam ng bukasan na iyon. May ilalabas siyang nakabalot sa isang supot. Ewan kung ano ang laman n’yon dahil hindi naman niya bubuksan. Para bang takot na kapag nagising ang asawa’y makita ang laman nito.

May ilalabas si Mang Teddy na isa pang plastic. Ilalabas niya ang laman ng mga ito. Tatambad ang ilang dollar bills na maliliit lang naman ang halaga. Para bang itinago lang niya as remembrance. Meron ding mga litrato. Mapapatitig siya sa mga ito.

Lalapitan ng kamera ang mga litratong tinitingnan niya. Mga hubong larawan ng mga batang lalake. Kung mapupuna, ito ang batang ipinakita ‘nung unang sequence. Mga kuha ng kano kay Michael (Miguel). May isa pang pamilyar na bata sa mga pictures. Si Noel.

Unang isasauli ni Mang Teddy ang mga dollar bills sa plastic. Bubuksan sana niya ang isa pang nasa supot pero mapapakislot si Aling Sonia. Ibabalik niya ito pati na ang plastic sa dating pinaglalagyan pero maiiwan sa mga kamay niya ang mga litrato. Isasara uli ni Mang Teddy ang aparador.

Mapapadaan si Michael at masisilip niya sa siwang ng pinto na pinupunit ni Mang Teddy ang mga litrato. Tatayo si Mang Teddy. Didiretso si Michael sa kanyang silid upang di mahalata. Lalabas si Mang Teddy. Tutungo sa kusina.Ipapailalim niya ang mga pinunit na litrato sa maliit na basurahan doon. Babalik na ito sa pagtulog.

Dissolve to:
Lalabas si Michael sa kuwarto niya patungo sa kusina. Hahalukayin ang mga basura at makikita ang mga punit na larawan. Bubuuin niya ang isa--- mabubuo ang mukha niya sixteen years ago. Lalabas ang galit sa mukha ni Michael. Dadakutin niya ng isang palad ang nabuong larawan at ikukuyom. Ibabalik niya uli sa ilalim ng basurahan ang mga pira-pirasong litrato na nagkalat sa sahig.

Dissolve to:
Close-up uli ng galit niyang mukha.

47. Bahay ni Noel/Gabi
(Interior)

Extreme close-up ng mukha ni Noel habang natutulog. Pawis na pawis. Aatras ang kamera at malalantad ang kabuuan ng maliit na kuwarto-- walang laman maliban sa banig na kanyang hinihigaan at malaking karton sa gilid na lagayan ng kanyang mga damit. Bahagya muling lalapit ang kamera.

NOEL
(Umuungol. Nananaginip)

Extreme close-up uli ni Noel. Unti-unting lalabo ang screen. In superimposition, mapapalitan ang mukha ni Noel ng mukha ng batang nakapikit. Pawis na pawis. Umuungol.

Cut to flash back:
48. Mansiyon
(Interior)

Lalayo ang kamera sa mukha ng bata at makikitang sino-sodomize siya ng kano. Hindi siya ang batang ipinakita sa naunang sequence pero ‘yon pa rin ang kano. Pareho silang hubo’t hubad. Hirap na hirap ang bata habang nakangisi naman ang kano.

BATA
(Magmumulat ng mga mata. Mabibigla sa nakita.)

Dissolve to:
Back view ng kano at ng batang Noel habang sino-sodomize. Sa bandang unahan nila ay may bata ring sino-sodomize ng isa pang kano. Mas maliit at obvious na mas bata sa kanya pero hindi ito ang bata sa sequence 3.

Dissolve to:
Medium shot ng batang Noel.

BATANG NOEL
(Balisang-balisa) Huwag! Huwag siya… maawa na po kayo…!

Dissolve to:
Medium shot ng pangalawang bata at ng kano. Sa likod nila ay blurred na image ni Noel at ng unang kano.

KANO 2
(Mag-o-orgasm na. Makikita sa mukha ang satisfaction. Pagkatapos, itutulak ang tila wala nang malay na bata. Babagsak ito sa sahig.) Hey, hey! We’re not yet through! Rise! (Sisipain ang bata)

BATANG NOEL
(Lilinaw ang image ng mukha sa screen) Mga sadista kayo…!

KANO 2
(Kukunin ang baston na nakasabit sa dingding sa tabi niya. Hahampasin nang hahampasin ang bata.) I said rise!

BATANG NOEL
(Magpupumiglas pero hindi makakawala sa pagkakakapit ng kano) Huwag…!

Dissolve to:
Medium shot uli ng batang Noel at ng kanong nagso-sodomize sa kanya.

BATANG NOEL
Tama na…

KANO 1
(Babatukan siya ng malakas. Mag-o-orgasm na rin. Mapapaungol sa sarap.)

BATANG NOEL
(Halatang hirap na hirap)

Pan back to:
Bata 2 & Kano 2

KANO 2
(Hinahambalos pa rin ng baston ang bata 2 pero parang wala na itong nararamdaman.)

Dissolve to:
Iniimbistigahan ng dalawang kano ang bata 2 na nakahandusay.

KANO 2
(Sasampal-sampalin ang bata 2. Kaswal na kaswal ang reaksiyon ng mukha.) I think he’s dead.

KANO 1
(Sisimangot) Dead?

Dissolve to:
Medium shot ng batang Noel

BATA NOEL
(Takot na takot) Hindi!

Lalabo uli ang screen.

Cut to present:

49. Bahay ni Noel
(Interior)

Babalik muli ang scene sa grown up na Noel. Nananaginip pa rin.

NOEL
(Nananaginip pa rin. Umuungol.) Hindi… hindi…!

Lalapit ang kamera sa mukha ni Noel. Paglayo ng kamera ay nasa ibang scene na naman siya.

NOEL
Hindi…

Cut to flashback (2 years ago)

50. Dalampasigan/Gabi
(Exterior)

Aatras nang aatras ang kamera at makikitang sapo niya ang isang lalakeng duguan. Patay. Magdadatingan ang mga tao kabilang na si Gloria.

GLORIA
(Nagmamadali) Ogie…! (Lalapit at yayakapin ang patay) Ogie!

NOEL
(Bibitiwan ang patay na si Ogie. Tatayo.)

GLORIA
(Nakayakap sa patay. Humahagulgol. Titingala. Titingin kay Noel.) Bakit…? Ano’ng ginawa mo kay Ogie?!

Dissolve to:
Medium shot ng mukha ni Noel. Parang takot. Lumuluha.

NOEL
Hindi ako… hindi ako, Gloria.

Magpipikit ng mata si Noel. Lalapit ang kamera hanggang sa extreme close-up ng mukha niya...

Cut to present:

51. Kuwarto ni Noel
(Interior)

Extreme close up ng mukha ni Noel pero naroon na naman siya sa scene na natutulog . Nananaginip pa rin.

NOEL
(Pawis na pawis) Hindi… hindi…

Parang hangin na biglang lalayo ang kamera. Babangon si Noel.

NOEL
(Pabulong) Hindi!

Mag-iiba ang reaksiyon ng mukha niya. Galit.

NOEL
(Pasigaw na) Hindi!!!

INA NI NOEL
(off screen) Noel…? Nananaginip ka ba…? Noel?

52. Batuhan/Umaga
(Exterior)

Sumisikat na ang araw. Bababa ang kamera at makikitang nakatayo si Michael habang nakaupo naman si Chona sa batuhan. Nakatalikod sila sa kamera.

CHONA
Sa Manila, parang hindi ko napapansing sumisikat ang araw. Ang ganda pala.

MICHAEL
Noong maliit pa ako, madalas ko ring pinapanood ang pagsikat ng araw. (Ngingisi) Maaga kasi akong nagigising eh. (5 sec pause) Palagi akong nakatitig sa malayo. (5 sec pause) Noong maliit pa ako, gusto ko palaging nag-iisa. Madalas sa tabi ng dagat. Kaya lang, kapag narinig ko na ang boses ng nanay ko, tatayo na ako.

Iikot ang kamera hanggang nasa harap na nila ito.

CHONA
Bakit naman?

MICHAEL
(Kaswal na kaswal sa pakukuwento) Kasi, alam kong makakatikim na naman ako ng palo. Ayaw ng nanay ko na naikikita akong nakatunganga lang. (5 sec pause) Pero bale-wala sa akin ‘yon. Manhid na ako sa mga palo niya eh! (ngingiti)

CHONA
Wala ka bang kapatid?

MICHAEL
(Parang walang narinig) Kapag nasa bahay naman ako, ang madalas ko namang gawin ay dumungaw lang sa bintana. Ano’ng gagawin ko, eh hindi naman ako nag-aaral.

CHONA
Tanong ko, wala ka nga bang kapatid?

MICHAEL
Kapatid? Dalawa lang kami.

CHONA
So, nasaan na siya

MICHAEL
Mahirap lang kami. Ipina-ampon ako ng DSWD sa mag-asawang hapon na walang anak. Sila ang naging mga magulang ko for almost 16 years.

CHONA
So, you mean to say, hindi totoo ang una mong ikinwento sa amin? Sabi mo dati nag-iisang anak ka lang.

MICHAEL
(Medyo titingala) Ayoko nang bumalik sa nakaraan ko. Hindi ‘yon nangangahulugang nagsisinungaling ako sa inyo.

CHONA
(Titindig. Hahawakan sa braso si Michael.) I’m sorry. But if the time comes na gusto mo nang magsalita tungkol dito... (ngingiti) you can trust me.

Magsasalubong ang kanilang tingin.

Cut to:

53. Kalsada/Umaga
(Exterior)

Naglalakad na sila sa daan. Pagtitinginan sila ng mga tao. Ang iba’y nagbubulungan, ang ibang mga bata’y parang inosenteng palihim silang susundan.

CHONA
Alam mo, nakarating na rin ako dati dito sa San Andres eh. I was only eight when my mom brought me here. Ikaw, saan ba talaga ang province n’yo?

MICHAEL
I tried to forget everything nang iwanan ko ang Pilipinas.

CHONA
I don’t think so. Eh, bakit ka nandito ngayon?

MICHAEL
I seem to be looking for something. I don’t know! Wala sa Japan. So, I’ve decided to come back after so many years.

Cut to:

Nasa ibang di-kalayuang kalsada na sila, pag-ahon sa paakyat na daan ay matatanaw na ang lumang bahay na noon ay inupahan ng dalawang Amerikano. Hihinto si Chona para pitasin ang bulaklak na nadaanan nila. Titigil din si Michael sa paglalakad.

MICHAEL
Alam mo, ang gaan kaagad ng pakiramdam ko sa’yo.

CHONA
(Lilingunin si Michael. Babaling uli sa bulaklak.) You know, I like to color of this flower. It’s really nice.

MICHAEL
(Kukunin ang bulaklak sa kamay ni Chona. Ilalagay sa kaliwang tenga nito.) There, it looks even nicer. (Pagmamasdan ang mukha ni Chona) And you look even prettier.

Magkakasalubong uli ang tingin nila. Maiilang si Chona. Magkukunwang tatalikod at huhugot uli ng isa pang bulaklak.

MICHAEL
I guess you’re the one I’ve been looking for… (Hindi kikibo si Chona. Hahawakan siya ni Michael sa dalawang balikat at ihaharap) Chona, I think… I think I like you.

Magsasalubong na naman ang kanilang tingin.

Cut to:
Dalawang batang nakasilip sa pagitan ng mga halaman. Naghahagikhikan.

Dissolve to:
Aabutin ni Michael ang kamay ni Chona at hahagkan. Tititigan nang malagkit si Chona.

Dadako uli ang kamera sa dalawang bata. Nagtutulakan habang sinisilip pa rin sila. Maririnig nina Michael at Chona ang mga munting hagikhikan.

CHONA
(Parang matatauhan) Come on, doon naman tayo pumunta. (Ituturo ang paakyat na daan)

Pagpihit nila, bigla nilang masasalubong si Noel at ang ina nito. Magsasalubong ang mga mata nina Noel at Michael. Mapupuna ni Chona. Paglampas ay lilingunin pa uli ni Michael. Nakalingon pa rin sa kanya si Noel.

Ipapaling na ni Michael ang ulo sa dinadaanan. Parang magugulat sa hindi inaasahang makita.

Cut to:
Lumang mansiyon. Unti-unti na namang magba-blur ang screen. Voice over ng batang umiiyak.

Cut to:
CHONA
Hey, is there something wrong?

MICHAEL
(Mahihimasmasan) Ha?!

CHONA
I think we better go back. Umiinit na rin ang sikat ng araw.

Nakatitig pa rin si Michael sa mansiyon.

54. Bahay nina Mang Raul/Umaga
(Exterior)

Nakatayo si Gloria sa bunganga ng pinto. Darating sina Michael at Chona.

GLORIA
Kanina pa kita hinahanap (kay Chona). Lumamig na ang almusal sa mesa sa paghihintay.

MICHAEL
Pasensiya ka na Gloria. Niyaya ko kasi si Chona na mag-ikut-ikot. Maaga akong napadaan dito kanina pero natutulog ka pa kaya kami na lang ni Chona ang lumakad.

CHONA
Ngayon lang ako nakapaglibot ng husto dito Gloria. Ang ganda pala.

GLORIA
(Hindi magpapahalatang nagseselos. Pipihit papasok sa loob.) Mag-almusal ka na. Nagluto si nanay ng bikong tapol. Iinitin ko na lang uli ang tsokolate.

ALING LOURDES
(Dudungaw sa bintana) Michael! Halina’t sumabay ka na rin.

MICHAEL
Salamat po Aling Lourdes. Tutuloy na rin ako’t hindi ako nakapag-paalam kina Tatay Teddy.

ALING LOURDES
Sigurado ka ba?

MICHAEL
(tatango at ngingiti) Salamat na lang ho uli.

55. Bahay nina Mang Teddy/Gabi
(Exterior)

Nakatayo si Michael sa tabi ng puno sa labas. Nag-iisip. Dahan-dahang susulpot si Noel. Mabibigla si Michael.

NOEL
Bakit ka bumalik? Akala mo siguro nakatakas ka na sa anino ng nakaraan mo!

MICHAEL
(Matagal hindi kikibo. Nakatitig kay Noel. Biglang ibabaling ang tingin sa iba.) Nakilala mo pala ako.

NOEL
Tayong dalawa lang ang nakakakilala sa isa’t-isa noon… Miguel.

MICHAEL
Hindi na Miguel ang pangalan ko. Hindi na ako si Miguel... at huwag mo na ring ipaalala sa akin.

NOEL
Bakit, ano ba ang tawag sa’yo ngayon?

MICHAEL
Michael. Michael Tsui.

NOEL
Hindi ko kilala ang sinasabi mo. Ikaw ang kilala ko, Miguel. Magpalit ka man ng pangalan, magpalit ka man ng mukha… ikaw pa rin si Miguel… Miguel Evardo!

MICHAEL
(titingin uli kay Noel)

NOEL
Ako ba kilala mo pa?

Cut to flashback:

56. Kalsada/Umaga/16 years ago

Magba-blur ang screen. Mapapalitan sila ng dalawang batang lalakeng nag-uusap-- silang dalawa, labing-anim na taon ang nakararaan.

Sa scene na ito, sinusundo si Miguel ng mag-asawang hapon na umampon sa kanya kasama ang dalawang representative ng DSWD. Maraming tao ang nag-uusyoso. Sa kumpol ng mga tao, mapupuna sina Mang Teddy, Aling Sonia, Aling Lourdes at Mang Raul. Dadako ang kamera kay Miguel.

MIGUEL
(Kay Noel) Makikilala kita kahit mahabang taon pa ang dumaan. Kahit saan ako makarating, hindi kita makakalimutan, Noel. Ikaw ang ‘bespren’ ko kahit saan.

NOEL
Huwag mo ‘kong kakalimutan ha? (yayakap kay Miguel)

MIGUEL
(Tutulo ang luha) Magkikita pa naman tay eh. Basta huwag ka lang aalis dito.

NOEL
Tahan na. Alam ko namang hindi mo gusto ang nangyari eh. Alam kong hindi ka masamang tao gaya ng sinasabi nila. (5 sec silence habang magkayakap sila)

Aakbayan ng isang representative ng DSWD si Miguel. Tatanggalin ang kamay sa pagkakayakap kay Noel.

DSWD Representative
Halika na Miguel, naghihintay na sina Mr. Tsui

NOEL
Mag-iingat ka Miguel ha.

Isasakay na sa van si Miguel kasama ang mag-asawang hapon at dalawang representatives. Dudungaw si Miguel sa bintana ng van. Maririnig ang ingay at bulungan ng mga tao.

MIGUEL
Noel…!

NOEL
(maiiwang nakatitig sa lumalayong van)
(Voice over ng grown up na Noel habang lumalayo ang van) Sa bibig mo nanggaling na hindi ka makakalimot. Ipinangako mong kapag nagbalik ka, tutulungan mo akong makaalis sa impiyernong lugar na ito! Sabi mo, para na tayong magkapatid.. parating magtutulungan.

Cut to:

57. Kuwarto sa Mansiyon/Hapon
(Interior)
Pinipilit kunan ng litrato ng isang kano ang hubo’t hubad na si Miguel. Nasa likod nila si Noel. Papaluin ng sinturon ng kano si Miguel kapag ayaw sumunod sa posisyong gusto nito.

NOEL
(mapupunang niyang hirap na hirap si Miguel. Biglang kakagatin sa braso ang kano. Mahuhulog ang kamera.) Takbo na, Miguel!

MIGUEL
(Hahablutin ang kanyang short pants. Tatakbong palabas ng kuwarto. Susunod sa kanya si Noel.)

KANO 1
(Mahahataw ng sinturon si Noel sa likod. Dadaing pero makakatakbo pa rin.) Son of a bitch! We paid your fuckin’ mothers!

Cut to:

58. Mansiyon
(Exterior)

Nakatakbo na sa labas ng bahay ang dalawa. Nagmamadali. Nakahubo pa rin si Noel habang bitbit ang shorts.

Part pa rin ng flashback

59. Batuhan/Hapon
(Exterior)

Nakaupo sa malalaking batuhan sina Miguel at Noel

MIGUEL
Salamat, Noel. Sana hindi mo sana ginawa ‘yon. Nasaktan ka tuloy.

NOEL
Binababoy nila tayo. Galit ako sa kanila.

MIGUEL
(Tutulo ang luha) Galit ako sa mga magulang natin. (Papahirin ang luha na tumutulo sa pisngi) Bakit nagagawa nila sa atin ‘to?

NOEL
Galit ako sa nanay ko. Sana hindi ko na lang siya naging nanay. Hirap na hirap na ako, Miguel. Kailan ba aalis dito ang mga kanong ‘yon? Umalis na tayo dito!

MIGUEL
Hindi pwede Noel. Walang kasama ang kapatid ko. Baka siya naman ang ipagbili ni nanay.

Saglit na matatahimik ang dalawa.

NOEL
Saan tayo pupunta ngayon? Baka hinahanap na tayo ng mga kano.

MIGUEL
Dito na lang muna tayo matulog. Dito na tayo magpalipas ng gabi.

NOEL
Hindi pa tayo kumakain. Nagugutom na ‘ko.

MIGUEL
Tiisin na lang natin. Kapag umuwi naman ako, madadagdagan na naman ang latay ko kay nanay. (5 sec silence) Noel, huwag mo ‘kong iiwan. Para na rin kitang kapatid.

NOEL
Hindi, Miguel. Halika na. Higa na lang muna tayo.

Cut ot present:

60. Tabi ng Puno/Gabi
(Exterior)

Nakatukod ang isang kamay ni Michael sa puno. Nasa likod pa rin niya si Noel.

NOEL
Noong umalis ka, natuwa ako para sa’yo. Sa wakas, nakatakas ka na rin sa pesteng lugar na ito. Natuwa ako kahit nakagawa ka ng isang bagay na ikinagalit ng mga tao sa’yo.

MICHAEL
(Mabibigla sa sinabi ni Noel) Masamang tao ang nanay ko! Ako at ang kapatid ko ang biktima!

NOEL
Tayo, Miguel. Ikaw, ako at ang kapatid mo.

MICHAEL
(Pipitsirahan si Noel. Nanlilisik ang mga mata.) Sinabi ko nang hindi ako si Miguel! Huwag mo nang uungkatin pa ang panahong binaon ko na sa limot!

NOEL
Ganyan nga Miguel, tumitig ka sa akin.

MICHAEL
(Magbabago ang reaksyon ng mukha. Bibitiwan si Noel. Tatalikod.)

NOEL
Hindi ko nakikita sa mga mata mo na nakalimot ka na.

MICHAEL
(Hahakbang palayo. Uupo at sasandal sa isang puno. Itatakip ang mga palad sa mukha at iiyak. Susundan siya ni Noel.) Masamang tao ang nanay ko.

NOEL
Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko pag-alis mo? Hanggang ngayon… hanggang ngayon hirap na hirap ako! Wala akong mapuntahan! Wala akong malapitan! (Tatahimik sandali. Pagmamasdan si Michael) Bakit ka umiiyak? Akala ko ba nakalimot ka na?

MICHAEL
Masama ang nanay ko… (umiiyak pa rin)

NOEL
(Itatayo si Michael na ngayon ay meron nang dalawang katauhang gumugulo sa kanya-- bilang si Miguel noon, at si Michael ngayon.) Wala kang kasalanan. (Hahawakan sa balikat si Michael --- o si Miguel. Pabulong na ang salita.) Hindi mo kasalanan.

MICHAEL
(Parang nawala sa katauhan) Masama siya…

NOEL
(Aakbayan si Michael) Wala kang kasalanan…

61. Bahay nina Mang Raul/Hapon
(Interior)

Nakaupo sa mahabang bangko si Michael sa tabi ng bintana sa sala. Lalapit sa kanya si Chona na naka-duster lang na manipis. Iaabot sa kanya ang isang tasang kape.

CHONA
Magkape ka muna. Wala sila, nagpunta sa kabilang bayan sina auntie at Gloria. Kukunin ang mga panindang inalok ng kumare ni auntie. Nasa laot naman si uncle… kaya ako lang mag-isa dito ngayon. (May mapupuna kay Michael) May iniisip ka ba?

MICHAEL
Wala. (Ngingiting pilit)

CHONA
Sandali, magpapalit lang ako ng damit. Nakakaasiwa naman itong suot ko. (Papasok sa kwartong ang pinto’y natatakpan lang kurtina.)

MICHAEL
(Lalagok ng kape)

Dissolve to:
Nakatalikod sa screen si Chona. Huhubarin ang duster at tatambad ang hubog ng katawan na ngayo’y naka-panty lang. Biglang haharap para kunin ang nakasampay na damit ngunit gugulatin siya ng presence ni Michael. Nasa loob na rin ng kwarto at nakatitig sa kanya.

CHONA
Michael…?

MICHAEL
(Hahakbang palapit) I like you, Chona.

Tatakpan ni Chona ang kanyang dibdib. Magsasalita pa sana ngunit bigla siyang sisiilin ng halik ni Michael sa labi. Unti-unting bababa ang ulo ni Michael. Tatanggalin ang duster na itinatakip ni Chona sa dibdib at papaliguan siya ng halik—sa leeg… sa dibdib… hanggang sa pusod. Bibigay si Chona.

CHONA
Michael… baka dumating sila… baka may makakita…

MICHAEL
(Magpapatuloy, parang walang narinig. Ihihiga sa papag si Chona at maghuhubad ng t-shirt. Bubuksan ang zipper ng pantalon. Ibaba ang pantalon kasama ng brief. Kukumbabaw siya kay Chona. Magpapatuloy sila sa pagniniig. Itatalikod niya si Chona. Papaliguan ng halik ang buong likod nito. Bababa ang mga halik. Parang naghihintay lang ng mga susunod na mangyayari si Chona.)

CHONA
Huwag, Michael. (Gayong obvious na wala siyang tanggi sa mga nangyayari)

MICHAEL
(Ibababa ang panty ni Chona. Pagkahawak sa puwet nito ay parang biglang magugulat o parang mahihimasmasan. Nakatitig sa puwet ni Chona. Parang biglang may maaalala.)

Cut to flashback
62. Mansyon
(Interior)
Magiging blurred ang screen. Babalik ang scene sa sequence 3 kung saan sino-sodomize ng kano si Michael—si Miguel noon.

Cut back to present:
63. Kwarto nina Chona
(Interior)
Tatayo si Michael at itataas muli ang panty ni Chona. Aabutin ang duster ni Chona at itatakip sa katawan nito. Itataas niya uli ang pantalon at isusuot ang t-shirt.

MICHAEL
(hindi maipaliwanag ang expression ng mukha) I’m sorry, Chona.

CHONA
(Maghahalo sa mukha ang pagtataka, hiya, takot at pagsisisi. Tatayo at isusuot ang duster pero hindi titingin kay Michael. Walang kibo.)

MICHAEL
I’m really sorry. (Lalabas sa silid)

Cut to flashback

64. Lumang Bahay nina Miguel, 16 yrs ago/Hapon
(Interior)

Malabnaw ang kulay ng screen. Makikita ang batang Miguel na nakaratay sa papag. Maraming pasa. Tatayo at hinay-hinay na lalabas sa kwarto. Titigil sa bukana ng pintuan ng silid.

MIGUEL
(Sa ina) ‘Nay, nasaan si Boy? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita ah.

Pipihit ang kamera paatras at dalawa na silang mag-ina ang nasa screen

INA
Nagtatrabaho. Isa ka raw kasing gago kaya siya na lang ang kakayod!

MIGUEL
(Manlalaki ang mata. Lulungkot ang mukha na parang nagmamakaawa.) Nay…? Ibinenta n’yo pati si Boy? Bakit, ‘nay?

INA
Tumigil kang putong-ama ka! Dahil sa’yo! Nabuwisit sa’yo ang mga kano kaya ang kapatid mo na lang!

MIGUEL
(Mapapaupo) Bakit niyo ginagawa sa amin ‘to, ‘nay? Bakit pati si Boy…? Maliit pa si Boy, ‘nay, eh…!

INA
Huwag mo akong dadramahan, putong-ama ka! Kung hindi tayo iniwan ng magaling mong ama, hindi kayo magkakaganyan! Pare-pareho lang kayong mga lalake. Dapat lang talaga sa inyo pinaparusahan bago pa man gumawa ng katarantaduhan! Pare-pareho kayo!

Biglang may susulpot na bata sa bukana ng pinto

BATA
Aling Cecilia, nandito na po si Boy… patay na!

Dissolve to:
Close-up ng mukha ni Miguel. Gulat na gulat. Parang hindi makapaniwala.

Susulpot sa pinto ng bahay nila ang isang matipunong lalake. Kung mapupuna, si Mang Teddy noong kabataan pa niya. Tangan nito ang walang buhay na si Boy. Ang bunsong kapatid ni Miguel (Michael).

MANG TEDDY
Si Noel ang nagbalita sa amin. Ang mga turistang kano daw ang may kagagawan. Pero wala na sila nang puntahan namin.

INA
(Walang reaksiyon ang mukha. Lilingon kay Miguel.)

MIGUEL
(Parang magiging tuod sa pagkakaupo. Iiyak na lang nang iiyak.)

Bigla ring susulpot ang batang Noel sa bukana ng pinto. Tumutulo ang luha.

NOEL
(Titingin kay Miguel. Kukuskusin ng braso ang mga mata.) Wala akong nagawa Miguel. Hindi ko sila kaya… nakatakas na sila…

Dissolve to:
Close-up ng mukha ni Miguel.

Cut back to present:
65. Kahuyan/Gabi
(Exterior)

Nakaupo at nakasandal sa isang puno si Michael. Humahagulgol na parang bata.

Cut back to flashback:

66. Sementeryo/Hapon
(Exterior)

Blurred ang screen. Nakatayo ang ilang mga tao habang inililibing na si Boy. Magkatabi sina Miguel at Noel.

Dissolve to:
Nag-aalisan na ang mga tao. Hihilain ng ina sa isang kamay si Miguel para yayain na itong umuwi.

INA
Halika na. Wala na ang kapatid mo!

MIGUEL
(Tititig nang masama sa ina. Hihilain ang kamay sa pagkakahawak nito.)

INA
(Manlalaki ang mga mata) Aba…!

NOEL
Susunod na po kami, Aling Cecilia.

Dissolve to:
Nakatayo pa rin sina Noel at Miguel sa tabi ng puntod. Silang dalawa na lang ang naroon. Lilingon si Noel kay Miguel. Aakbayan ito.

NOEL
(Papahiran ang luha sa mata ni Miguel) Halika na, Miguel.

Cut to present:
67. Kahuyan
(Exterior)

Tatayo si Michael mula sa pagkakasadlak sa puno. Parang napalitan ng galit ang lungkot sa mukha. Nakatitig sa malayo.

68. Bahay nina Mang Raul/Tanghali
(Exterior)

Nakaupong pareho sina Gloria at Chona sa pahabang bangko sa labas ng bahay. Inaayos nila ang mga panindang kinuha sa kabilang bayan.

GLORIA
Ibibigay lang namin ang ito ng pahulugan, para madaling maubos, Chona. Ganito dito sa probinsiya, hindi uso ang cash!

CHONA
Magkano naman ang mga ito…? Ang ganda nitong isa, kursunada ko. Ako na ang magbu-buena mano ha?

GLORIA
Naku, ikaw talaga! Hindi mo na kailangang magbayad ‘no! Kahit tatlo, lima o lahat pa nito, kulang pa sa mga naibigay mo kay nanay. Sige na, kunin mo na ‘yan. (Iaabot ang kursunada ni Chona)

CHONA
Gloria, paninda ang mga ito. Kailangang bayaran.

GLORIA
Ano’ng bayaran? (Isusukat kay Chona ang kursunadang duster) O, ayan, lalo ka palang maputi kapag ganitong kulay ang suot mo.

CHONA
(Akmang tatayo) Sandali. Kukuha lang ako ng pambayad sa itaas.

GLORIA
(Pipigilan si Chona. Tititig dito.) Sige, magagalit ako sa’yo. Kunin mo na ‘yan.

CHONA
(ngingiti na lang)

GLORIA
Oo nga pala. Hindi ka ba nainip dito kahapon? Mag-isa ka nga lang palang naiwan dito.

CHONA
(Mag-iiba ang ekspresyon ng mukha)

GLORIA
(Magtataka. Nakatingin pa rin kay Chona) O?

CHONA
Okey lang naman, medyo nanibago lang ako, pero hindi naman ako nainip.

GLORIA
Sigurado ka?

Mapapadaan sa gawi nila si Noel galing sa pangingisda. May bitbit na kapirasong lambat. Mapapasulyap ito kina Gloria. Biglang mag-iiba ang hitsura ni Gloria.

CHONA
(Kay Noel) Gusto mong bumili? Pumili ka, may mga panlalake dito.

GLORIA
(Parang magugulat sa ginawa ni Chona. Lilingon dito.) Walang lugar ang mga paninda namin sa taong ‘yan!

CHONA
Baka lang gusto niyang bumili.

NOEL
(Kay Chona) Magkano ba?

CHONA
(Kay Gloria) O, ‘kita mo na!

GLORIA
(Titindig) (Kay Noel) Umalis ka na! Hindi namin ito ipinagbibili!

NOEL
(Maamo pa rin ang mukha. Pipihit na lang para umalis.)

GLORIA
(Babalik sa pagkakaupo pero magpaparinig pa ri sa lumakad nang si Noel.) Ang lakas ng loob na dumaan dito…! Mamamatay-tao!

NOEL
(Mapapahinto. Haharapin uli si Gloria.) Hindi ako mamamatay-tao!

GLORIA
(Matapang pa rin. Tatayo bigla at haharapin din si Noel.) Eto na naman tayo? Magtatakip ka na naman? Hindi pa tayo tapos, Noel. Masuwerte ka’t hindi sapat ang ebidensiyang iniharap sa’yo! Pero magbabayad ka rin!

NOEL
Wala akong dapat pagbayaran dahil hindi ko kayang gawin kay Ogie ang ibinibintang mo sa akin, Gloria. Alam mo ‘yan.

GLORIA
Sinungaling! At sino naman ang gagawa sa kanya no’n, aber?

NOEL
Bakit, sapat na bang ebidensiya na ako ang nakita mong huling kasama ni Ogie nang mamatay siya? Walang dahilan para patayin ko ang kasintahan mo. At wala akong dapat ikatakot. Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?

GLORIA
Nawala ang mga alahas ni Ogie, Noel. Naiinggit ka sa kanya!

CHONA
(Hindi malaman kung paano aawatin ang dalawa. Nakahawak lang sa braso ng pinsan.)

NOEL
Nakita mo ba sa akin ang mga alahas na sinasabi mo? Hindi ko magagawang pumatay ng tao dahil lang sa paghahangad sa alahas! (parang galit na)

GLORIA
Ipokrito ka!

NOEL
Kahit ano’ng sabihin mo, Gloria… kahit ano’ng ebidensiya pa ang hanapin mo, ang katotohanan pa rin ang mananaig. Hindi ako ang pumatay kay Ogie tulad ng ipinaparatang mo sa akin. (Mag-ngingiting-aso) Ibinabaling mo lang sa akin ang galit dahil nabigo ka sa pag-ibig ko. Gusto mo akong gantihan!

GLORIA
(Mabibigla. Lalapit kay Noel at sasampalin ito ng malakas.)

NOEL
(Hindi man lang matitinag) Nakaganti ka na, puwede na akong umalis?

Hindi makakakibo si Gloria. Iiyak na lang. Tuluyan nang aalis si Noel. Yayakap si Gloria kay Chona.

69. Kusina/Hapon
(Interior)

Nagkakape sina Gloria at Chona

GLORIA
(Kay Chona) Totoo ang sinabi niya. Siya talaga ang minahal ko noon. Pinili ko si Ogie dahil alam kong maiaahon niya ako sa kahirapan. May sarili silang palaisdaan at sakahan. Libangan lang ni Ogie ang pangingisda sa dagat.

CHONA
Naiintidihan kita Gloria. Pero kung alam mong wala naman talagang kasalanan si Noel, hindi yata makatarungang pagbintangan mo siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa, ‘di ba?

GLORIA
Kinakampihan mo ba siya? Naniniwala ka sa demonyo na ‘yon? Talagang naiinggit siya kay Ogie!

CHONA
Hindi ko kilala si Noel, Gloria. Wala akong karapatang husgahan siya. Pero siyempre, ikaw ang paniniwalaan ko dahil pinsa kita…. Ano ba talaga ang totoo?

GLORIA
(Uubusin ang kape sa tasa) Hayop siya!

Maiiwan ang mukha ni Gloria sa kamera.

70. Bahay nina Mang Teddy/Tanghali
(Interior)

Hawak-hawak ng mga kamay ang isang maliit at lumang jewelry box. Bubuksan ito. Tatambad ang ilang gintong alahas. Itatas ang makapal na kuwintas. Ibabalik. Kukunin naman ang singsing. Lalaru-laruin ng mga daliri.

GLORIA
(Off screen) Tao po… ninang Sonia…?

Nagmamadaling isasauli ng mga kamay ang mga alahas sa jewelry box. Isisilid sa supot na papel at itutupi ang dulo ng supot. Maririnig pa rin ang katok at pagtawag ni Gloria. Lalapit ang may-ari ng mga kamay sa lumang aparador. Makikita ang kabuuan ng likod niya sa screen. Si Mang Teddy. Nagmamadali niyang isisiksik ang jewelry box sa aparador, sa lugar na hindi yata talaga doon ang unang pinaglagyan.

MANG TEDDY
Sandali lang, nandiyan na! (Magugulat dahil pagpihit niya ay nasa harap na niya si Gloria.)

GLORIA
(Matamis ang ngiti) O, bakit parang nagulat po kayo? Nagdala po ako nitong tinolang manok. Dalawang native ang kinatay ni tatay. Ako ho’ng nagluto n’yan.

MANG TEDDY
Ikaw pala, Gloria. (Magbubuntong-hininga) Nagulat naman ako sa ‘yo.

GLORIA
(ngingiti) Pasensiya na ho, ninong. Tumuloy na ako dahil kanina pa ako tumatawag diyan sa labas.

MANG TEDDY
(Aabutin ang ulam kay Gloria. Susukli ng ngiti.) O siya, salamat at talagang hindi pa rin kami kumakain. Tara sa kusina.

Susundan sila ng kamera patungo sa kusina.

GLORIA
Ninong, ngayon ko lang nalaman na magugulatin pala kayo.

MANG TEDDY
(Bahagyang tatawa) Nabigla lang.

GLORIA
Nasaan ‘nga po pala si ninang?

MANG TEDDY
May binili, pauwi na rin ‘yon.

GLORIA
E, si… Michael ho?

MANG TEDDY
Kaninang umaga pa nagpaalam, iha. Lumabas! Mag-iikot lang daw. Hinihintay ko rin nga at kanina pa luto ang kanin.

GLORIA
(Lulungkot pero hindi mapupuna ni Mang Teddy)

MANG TEDDY
Kayo ba, kumain na?

GLORIA
Naghahain na rin si nanay. Sumadya lang ako para ihatid itong tinola.

MANG TEDDY
Gano’n ba? Mabuti pa siguro, sa amin ka na sumabay. Maghahain na rin ako. Parating na rin ‘yon si Michael.

Lalapit ang kamera sa mukha ni Gloria. Makikita ang pananabik.

71. Sementeryo/Tanghaling-tapat
(Exterior)

Nakatayo sa tabi ng puntod ni Boy si Michael. Nasa di-kalayuan si Noel. Nagmamasid. Ipapatong ni Michael ang kumpol ng mga bulaklak sa puntod ni Boy.

MICHAEL
(Kakausapin ang puntod) Pasensiya ka na, Boy. Sana naiintindihan mo ako. Hindi ko sadyang kalimutan ka. Alam kong wala na akong magagawa at hindi ko na maibabalik ang nakaraan... at ayoko na balikan, Boy! (Aagos ang luha. Matagal na hindi makakapagsalita) Alam mo kung gaano kita kamahal pero wala akong sapat na lakas noon para ipagtanggol kita sa mga gumawa ng kahayupan sa atin… at sa sarili nating ina. Hindi ko rin lubos maisip kung paano niya nagawa sa atin ‘yon. Patawarin mo ako, Boy. Nadamay ka tuloy dahil sa akin. Hindi mo dapat sinapit ito. (Tuluyan nang iiyak at hindi na makakapagsalita. Puro paghikbi at iyak na lang ang gagawin)

NOEL
(Dahan-dahang lalapit sa kaibigan) Gusto mo bang makita ang puntod ng nanay mo?

MICHAEL
(Lilingon kay Noel)

NOEL
Alam ko kung nasaan ang puntod niya.

MICHAEL
(Hindi pa rin kikibo)

NOEL
Miguel, kahit ano pa ang naging kasalanan niya, siya pa rin ang nanay mo. Nakapagbayad na siya. Siguro ngayon na ang panahon para humingi ka rin ng tawad sa kanya.

MICHAEL
(Mapapasadlak sa damuhan. Ibubunton ang galit sa pamamagitan ng paghugot ng mga damo at pagsuntok sa lupa) Bakit nangyari ito? (titingala kay Noel) Noel, tulungan mo ako, ikaw lang ang kaibigan ko.

NOEL
(Iaabot ang isang kamay kay Michael. Puno ng simpatya sa mukha.)

Dissolve to:
Naglalakad silang dalawa sa kahabaan ng sementeryo.

Dissolve to:
Nakarating na sila sa puntod ng ina ni Michael. Halatang walang nag-aasikaso dito.

Hahawiin ni Noel ang mga damo na tumatakip sa puntod.

NOEL
‘Yan ang puntod ng nanay mo.

Mapapaluhod si Michael sa harap ng puntod.

Cut to flashback:
16 years ago…

72. Bahay nina Miguel/Gabi
(Interior)

Nailibing na ang labi ni Boy. Nakaupo si Miguel sa may kusina ng bahay. Umaagos ang luha. Mapapasulyap siya sa mahabang itak na nakasabit sa dingding ng kusina.

Cut to:
Focus ng kamera sa itak

Cut to:
73. Kwarto ng ina ni Miguel
(Interior)

Mahimbing na natutulog ang ina ni Miguel sa kwarto nito. Biglang susulpot si Miguel sa bukana ng pinto ng kwarto tangan ang itak. Galit na galit ang mukha habang umaagos pa rin ang luha. Unti-unting hahakbang patungo sa natutulog na ina.

Itataas ni Miguel ang itak. Magigising ang ina at dahan-dahang magdidilat ng mga mata.

Dissolve to:
Sa gilid ng dingding ay ang anino ni Miguel. Ihahataw ng anino ang itak sa nakahiga sa kama. Pupulandit ang dugo doon mismo sa anino. Makakabangon pa ito subalit hahatawin muli.

Dissolve to:
Focus ng mukha ni Aling Cecilia. Mapapangiwi sa sakit.

Dissolve to:
Medium shot ni Miguel. Paulit-ulit pang ihahataw ang itak sa katawan ng ina pero hindi na ito makikita sa screen.

Cut to:
Part pa rin ng flashback

74. Barangay Hall/Umaga
(Interior)

Parang may munting meeting sa loob ng barangay hall. Nag-uusap ang kapitan ng barangay at dalawa sa mga kagawad niya, dalawa ring pulis at dalawang representatives ng DSWD na naipakita sa naunang sequence.

DSWD REPRESENTATIVE 1
Napag-aralan na ng hukuman ang kaso ni Miguel Evardo.

KAGAWAD 1
Ikukulong ho ba siya?

PULIS 1
Nakapatay siya. Sarili niyang ina.

Para silang nasa korte. Paruo’t parito ang kamera sa kung sino ang nagsasalita.

BARANGAY CAPTAIN
Masyadong masalimuot ang kaso nito. Special case, kung baga.

DSWD REPRESENTATIVE 2
Nagkaroon ng matinding trauma ang bata. Wala siya sa hustong edad para pagbayaran sa kulungan ang kasalanan niya.

DSWD REPRESENTATIVE 1
Sa palagay ho namin ay may mas mainam na solusyon.

PULIS 2
Ano?

DSWD REPRESENTATIVE 1
May mag-asawang hapon na kapwa social workers din ang interesadong umampon kay Miguel.

PULIS 2
Mag-asawang hapon? Aampon? Bakit si Miguel?

BARANGAY CAPTAIN
Na-background check n’yo na ba ang tungkol sa mag-asawa?

DSWD REPRESENTATIVE 2
Isa ho sila sa mga financial supporters namin. Meron ho silang stable business sa Japan at talagang concerned sila sa mga bata lalo na ‘yung may mga special cases tulad ni Miguel.

KAGAWAD 2
Parang kakaiba yata ‘yan ah! (sa isang pulis) Ano sa palagay n’yo, chief?

PULIS 1
(Lilingunin ang kagawad) Sila ang eksperto pagdating sa ganito.

BARANGAY CAPTAIN
Bueno…

Cut to:
Magbabalik ang scene sa huling part ng flashback sa sequence 44
Sinusundo na si Miguel ng mag-asawang hapon at representatives ng DSWD.

Cut back to present:
75. Sementeryo

Nakasadlak pa rin si Michael sa puntod ng ina.

MICHAEL
(Wala na ang galit na ekpresyon sa mukha) Hindi pa tapos, Noel. May isa pang dapat singilin.

Hindi maipaliwanag sa mukha ni Michael ang halu-halong sakit na nararamdaman.

76. Bahay nina Mang Teddy/Madaling Araw
(Exterior)

Inabot na ng madaling-araw sa pag-iinuman ng alak sina Mang Teddy at Michael sa labas ng bahay. Halatang lasing na pero nasa katinuan pa rin ang dalawa lalo na si Michael.

May titilaok na manok.

MANG TEDDY
(Kay Michael) Nagtataka ako sa’yong bata ka. Bakit mo naisipang uminom? May problema ka ba?

MICHAEL
(Nakatitig lang kay Mang Teddy)

MANG TEDDY
Bilib ako sa’yo. Ang tibay mo pala sa tuba. Aba, mukhang hindi ka pa nalalasing, ah.

MICHAEL
(Parang hindi narinig si Mang Teddy) Nabanggit n’yo sa akin dati ang tungkol sa abandonadong mansyon, ano ho ba talaga ang kuwento doon?

MANG TEDDY
‘Yun bang dating tinirahan ng dalawang kano? Bakit mo naman naitanong? Nababagot ka nasiguro at gusto mo namang kwentuhan kita, ano?

MICHAEL
(Seryoso na sa pagsasalita ngunit parang hindi napapansin ni Mang Teddy.) Gusto ko hong malaman ang kwento mula mismo sa bibig n’yo.

MANG TEDDY
(Iaabot ang isang baso ng tuba kay Michael) O, inumin mo muna ito at kukwentuhan kita.

MICHAEL
(Uubusin ang laman ng baso, bottoms up!)

MANG TEDDY
(Magbibilang sa daliri) Labing-anim na taon na ang nakakaraan, may dalawang kano ang bumisita dito sa probinsiya namin. Sa katunayan, ako ang nagturo sa kanila sa mansiyon na iyon. (Tatawa ng pagkasarap-sarap) Doon ko rin sila nakita sa pinagkakitaan ko sa’yo noong bagong padpad ka pa lang dito. Naging kaibigan ko ang dalawang kano.

Cut to flashback:

77. Mansyon
(Interior)

Nasa loob ng tinutukoy na bahay si Mang Teddy kasama ang dalawang kano. Iba’t-ibang regalo ang iniaabot ng mga ito sa kanya. Masayang-masaya ang mukha ni Mang Teddy.

MANG TEDDY
(voice over) …dahil naging mabait din ako sa kanila, marami silang souvenirs na binigay sa akin - damit, alahas, sapatos, sabon… pati pera!

May ipinakitang mga larawan ang isang kano kay Mang Teddy. Mga hubong larawan ng mga lalakeng paslit.

MANG TEDDY
(voice over) …sabi ng isang kano sa akin, nangongolekta sila ng hubong litrato ng mga batang lalake mula sa iba’t-ibang bansa lalo na sa Asya. Sa madaling salita, ako rin ang contact nila para humanap ng mga bata upang retraruhan nila… hubo! (Tatawa ng malakas na para bang nakakatawa talaga ang ikinukwento niya)

Cut back to present:

MICHAEL
(Tight close up ng mukha) Sa madaling salita, binayaran kayo!

Dahil palagay na ang loob kay Michael at sa pag-aakalang inosente ito sa katotohanan, magkukwento ng buo si Mang Teddy na ni minsan ay hindi niya ginawa. Ewan, siguro’y lasing na rin.

Lilipat ang kamera sa mukha ni Mang Teddy. Tight close up.

MANG TEDDY
Naku, iho, malaki! Pero hindi lang ako, pati ‘yung pamilya ng mga batang inirekomenda ko. Aba, malaki ang kaginhawaang naidinulot sa kanila. (Aatras ang kamera at dalawa na uli silang makikita sa screen) Kaso nga lang dalawang bata lang ang naibigay ko. Marami kasing magulang ang hindi pumayag.

MICHAEL
Tapos?

MANG TEDDY
(tipong lulungkot ang mukha) Tapos, nalaman ko na lang na may iba pa palang ginagawa sa kanila ang mga kano. Sa mga bata ko rin nalaman, Walang ibang nakaalam maliban sa akin, sa mga bata at sa mga magulang nila. Hindi na nagreklamo ang mga magulang dahil simula noon, mas malaking pera na ang ibinibigay sa kanila.

Parang imbestigador sa pagtatanong si Michael

MICHAEL
Sino ang nag-aabot ng pera sa mga magulang? Ang mga kano rin ba?

MANG TEDDY
(Mapapatitig kay Michael. Matagal hindi makakasagot) Tutal… (tutungo)… naitanong mo na rin…

Cut to flashback

78. Bahay nina Miguel
(Interior)

Medium shot ni Miguel na nakaupo. Nakatingin sa gawing kaliwa niya. Nasa tabi naman niya si Boy habang inuusisa ang mga latay niya sa katawan.

Makikitang may inaabot na pera si Mang Teddy sa ina ni Miguel. Magpapatuloy ang kuwento ni Mang Teddy.

MANG TEDDY
(voice over) …Ako ang nag-aabot ng pera sa kanila dahil kaibigan ko ang mga kano. Tulad ng sinabi ko sa’yo, naging lihim ang lahat. Ako ang nag-aabot ng tulong pinansiyal sa kanila mula sa mga puti.

Dissolve to:
May iluluping pera si Mang Teddy. Ipapasok sa bulsa niya. Mapupuna ito ni Miguel at ng ina niya. Parang wala namang pakialam si Boy sa kamusmusan ng isip.

Makikita na parang nagtatalo sina Mang Teddy at Aling Cecilia dahil sa perang isinisilid ni Mang Teddy sa kanyang bulsa.

Cut to:
Part pa rin ng flashback

79. Mansyon/Hapon
(Exterior)

Naglalakad si Aling Cecilia patungo sa bahay ng kano. Siya lang mag-isa.

Dissolve to:
Nagkukubli sa likod ng puno si Mang Teddy. Nakamasid kay Aling Cecilia. Hindi siya nakikita nito.

MANG TEDDY
(voice over) Kaso, parang ginawa nang negosyo ng isang ina ang kanyang anak, siya mismo ang kumukuha ng pera sa mga kano. Siya na rin mismo ang nag-presinta ng anak sa mga ito dahil malaking pera ang nakukuha niya sa mga puti.

MICHAEL
(voice over) Ano ho ba ang ginagawa ng mga hayop na kano sa mga bata?

Cut back to present:

MANG TEDDY
(Lalagukin ang isang basong tuba) Pedopilya ang mga puti. Hindi ko rin alam kung paano nila nagagawa… kung ano ang pumapasok sa demonyong utak nila. Ginagamit nila ang mga bata. Hindi lang pala nireretratuhan.

MICHAEL
Alam n’yo pala ang ginagawa sa kanila, bakit wala kayong ginawa?

MANG TEDDY
Wala akong magawa. Sabi ko sa’yo, ang mga magulang na mismo ang nagdadala ng kanilang mga anak sa mga kano…

MICHAEL
Bakit hindi n’yo ipinaalam sa mga pulis?

MANG TEDDY
Labas na ako, ayokong madamay.

MICHAEL
(Parang walang reaksiyon ang mukha. Magsasalin pa ng tuba sa baso.) Ano naman ang tungkol sa namatay na bata?

MANG TEDDY
(Parang lasing na) Namatay na bata?

MICHAEL
May namatay na bata sa loob ng mansyon, ‘di ba?

MANG TEDDY
Ah! Namatay na bata? Oo!

Cut back to flashback

Repetition of Sequence 52

Babalik ang scene sa ilang part ng sequence 52 pero wala nang lalabas na dialogue dahil mapapatungan ng boses (voice over) ni Mang Teddy. Sa scene, buhat-buhat ni Mang Teddy ang walang buhay na si Boy.

MANG TEDDY
(voice over) …mas maliit na kapatid ng una ang namatay… si Noel?! Kilala mo si Noel? Silang dalawa ang magkasama noon sa mansyon. Oo, si Noel, ‘yung mangingisda!

Makikita ang batang Noel sa screen. Susulpot sa pinto ng bahay nina Miguel.

MANG TEDDY
(voice over) isa siya sa dalawang batang inirekomenda ko. ‘Yung isa… si Miguel. Hindi ko malilimutan ang pangalan ng batang ‘yon.

Makikita sa screen ang umiiyak na batang Miguel.

MANG TEDDY
(voice over) Kaso hindi nagkwento ang batang Noel kung ano ang nangyari. Basta’t sumugod na lang sa amin at ibinalitang patay na si Boy, yung nakababatang kapatid ni Miguel... kaya hindi ko rin alam kung ano talaga ang nangyari. ‘Yung dalawang kano naman, nakatakas na.

Cut back to present:
(Titindig) Sandali. May ipapakita ako sa’yo. (Nakangiting tutungo sa loob ng kanilang bahay)

Dissolve to:

80. Kwarto
(Interior)

Didilat ang mga mata ni Aling Sonia mula sa pagkakatulog. May hinahalungkat si Mang Teddy sa loob ng aparador.

ALING SONIA
Teddy, madaling araw na. Hindi pa ba kayo tapos? Ikaw na tao ka, tinuturuan mong maglasing ang bisita natin.

MANG TEDDY
Nagkakasiyahan lang… (makikita ang hinahanap) Ito!

Dissolve to:

81. Exterior

Manlalaki ang mga ni Michael. Pamilyar pa sa kanya ang ipinapakita ngayon ni Mang Teddy.

Hawak ni Mang Teddy ang sinturon. Ito ang sinturon na madalas na ginamit na pamalo sa kanila noon ng isang kano noon.

Lalapit ang kamera sa sinturong hawak ni Mang Teddy.

Cut back to flashback
82. Kwarto ng Kano
(Interior)

Lalayo uli ang kamera sa sinturon at makikitang mahigpit na hawak ito ng isang kano.

Dissolve to:
Takot na takot ang mukha ni Miguel

Cut back to present:
MANG TEDDY
Ito… remembrance din ito sa akin ng isang kano. Ang ganda, ‘di ba? Minsan ko lang suotin ‘yan, kapag may okasyon. (Ngingisi)

Medyo sumusuray na si Mang Teddy. Isusukat ang sinturon sa bewang pero hindi ipapasok sa sinturera.

MANG TEDDY
Ang ganda ‘di ba? Stateside ‘yan!

MICHAEL
Gusto ko hong ituloy n’yo ang kwento (tatagay uli)

MANG TEDDY
(Pabirong pipingutin si Michael) Gustong-gsuto mo pala ng kinukwentuhan ka ‘no? (Ngingisi na naman) Sige. (Uupo uli sa tabi ni Michael) Tagayan mo muna ako at itutuloy ko na. (Lalagok) ‘Yung Miguel naman, ‘yung kapatid ng batang namatay… (uubusin ang tuba sa baso) alam mo ba kung ano ang ginawa? (hihinto at magbubuntong-hininga)

MICHAEL
Ano ang ginawa?

MANG TEDDY
Pinatay ang nanay niya. Kaso, inampon ng mag-asawang hapon. Hayun, nasa Japan na! Wala na kaming balita… (iiling) … masamang bata!

MICHAEL
(Biglang mag-iiba ang hitsura ng mukha sa galit. Tatayo at itutukod ang dalawang kamay sa mesa. Haharap kay Mang Teddy) Hindi masamang bata si Miguel!

MANG TEDDY
(Mabibigla) Teka, teka… (Ngingiti. Parang hindi inda ang reaksyon ngayon ni Michael.) Masyado ka yatang nadala sa istorya?

MICHAEL
Ikaw ang masama, Mang Teddy! Kung hindi dahil sa’yo, hindi sasapitin ng mga bata ang nangyari sa kanila! Masyado kayong naging sakim sa perang ibinabayad ng mga hayup na puti sa inyo. Nakatakas ang mga kano dahil kayo ang nagpatakas sa kanila. Hindi totoong hindi nagsalita sa inyo si Noel dahil sa inyo siya unang tumakbo. Alam n’yo lahat ang nangyari pero pinatahimik kayo ng pera! Tinakot n’yo si Noel kaya hindi na siya nagsalita! Kayo ang gumawa ng paraan para makaalis ang mga kano bago pa man malaman ng ibang tao!

MANG TEDDY
(magtataka) Ano ang pinagsasabi mo?

MICHAEL
(Aagawin ang sinturon kay Mang Teddy) Hindi ko makakalimutan ang sinturong ito! Isa ito sa ibinigay nila sa inyo bago sila tumakas. At ito ang nagpahirap sa amin! Alam n’yo ba kung gaano kasakit?!

MANG TEDDY
(Mapapaatras. Mahuhulog sa bangko. Takot na takot ang mukha) Ikaw?! Ikaw si Miguel?!

Parang nawala na sa sarili si Michael. Tila naging si Miguel uli nang patayin ang ina. Hahatawin nang hahatawin ng buckle ng sinturon si Mang Teddy.

MICHAEL
Isa kang hayup! Hayup! Hayup!!!

Isang hataw ng sinturon sa bawat katagang ‘hayup’

Pilit na gagapang si Mang Teddy habang patuloy sa paghampas sa kanya si Michael. Makakatayo pero sisipain siya ni Michael. Babagsak uli sa lupa. Poprotektahan ang ulo sa mga hampas ni Michael ng sinturon.

Cut to:

83. Kusina
(Interior)
Makakatakbo sa kusina si Mang Teddy. Makakahagilap ng itak bago pa man siya masundan si Michael. Haharapin ito. Parang nawala na ang kalasingan.

Natatarantang susulpot si Aling Sonia.

ALING SONIA
Ano ba ang nangyari?

Ihaharap ni Mang Teddy ang itak kay Michael.

MANG TEDDY
Sige! Ituloy mo ang binabalak mo. Ewan ko lang kung hindi ka santuhin nitong itak ko!

ALING SONIA
(Kay Michael) Michael, anak, lasing lang kayo. Tama na!

MANG TEDDY
(Kay Michael) Sige!

ALING SONIA
Teddy, ibaba mo ‘yan! Por Dios, por Santo!!!

Alisto si Mang Teddy, mga mata lamang niya ang papaling mula kay Aling Sonia at agad na babalik kay Michael. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak sa itak.

MANG TEDDY
(Kay Aling Sonia pero kay Michael nakatingin) Hindi siya si Michael! Siya si Miguel! Ang batang pumatay s kanyang ina! Isang mamamatay-tao!

ALING SONIA
(Tarantang-taranta. Hindi malaman ang gagawin.)

MICHAEL
Masahol pa kayo sa hayup, Mang Teddy! Isang demonyong nagtatago sa mukha ng tao. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko!!!

MANG TEDDY
At nasaan ang hustisya sa pagkamatay ng nanay mo?! Ha?!

MICHAEL
Bayad na ‘ko hindi ko pa man napapatay ang nanay ko! Isa kayo sa mga maiitim na ugat kaya ko nagawa ‘yon!

MANG TEDDY
Gago! At ako ang sinisisi mo?! Sa akin mo sinisisi ang pagpatay mo sa sarili mong ina?!

MICHAEL
Ikaw ang ugat. Pareho kayong may kasalanan! Pareho kayong gahaman sa pera! Wala kayong konsensya! Nagawa mo pang protektahan ang mga kanong katulad mo ring hayup dahil sa ibinayad sa inyo! Pinatakas n’yo ang mga bumaboy sa amin. Dapat lang magbayad ang nanay ko! Ikaw naman ang sisingilin ko ngayon!!!

ALING SONIA
(Kaliwa’t kanan ang tingin sa kanila ngunit walang magagawa)

Itutumba ni Michael ang mesang nasa pagitan nila ni Mang Teddy. Mahahawakan ni Michael ang kamay ni Mang Teddy. Mag-aagawan sila sa itak. Tatamaan ng siko ni Michael ang pisngi ni Mang Teddy. Lalong matataranta si Aling Sonia, tatakbo ito palabas.

Cut to:

84. Kaldasa

Sumusigaw sa kalsada si Aling Sonia pero walang makakarinig sa kanya dahil sa layo ng distansiya ng mga bahay. Sina Mang Raul ang pinakamalapit nilang kapitbahay at doon siya tatakbo.

Cut to:

85. Bahay nina Mang Teddy

Nakasandal si Mang Teddy sa dingding ng kusina. Nakatutok sa leeg niya ang talim ng itak na ngayon ay nasa kamay na ni Michael. Susugat sa leeg ni Mang Teddy ang talim ng itak.

Dissolve to:
86. Bahay nina Mang Raul
(Exterior)

Kumakatok at naghihisterya si Aling Sonia sa harap ng bahay nina Mang Raul. Dudungaw sa bintana si Mang Raul, susunod si Aling Lourdes. Sabay na lalabas sina Gloria at Chona.

Cut to:

87. Bahay nina Mang Teddy

MICHAEL
(Nakaunday pa rin ang itak kay Mang Teddy) Ngayon, sabihin mo kay Miguel na wala kang kasalanan!

MANG TEDDY
Patawarin mo na ako Michael… Miguel... Matagal ko nang pinagsisihan ang lahat. (hahagulgol na parang bata)

MICHAEL
Hindi kita nakitang ganyan noon! Parati kang masaya! Bakit Mang Teddy?! Takot ka bang mamamatay?!

Gagapang ang isang kamay ni Mang Teddy patungo sa bote ng suka na nakapatong sa ibabaw ng paminggalang kahoy malapit sa sinasandalan niya. Hindi ito mapupuna ni Michael. Mararamdaman na lang niyang hahampas ang bote sa ulo niya. Makakatakbo si Mang Teddy sa loob ng kwarto. Susundan pa rin siya ni Michael kahit duguan na. Mako-corner si Mang Teddy sa tabi ng aparador.

MICHAEL
Hanggang ngayon, tuso ka pa ring demonyo ka!!!

Itataas ni Michael ang itak. Bakas ang galit habang patuloy na tumutulo ang dugo sa mukha.

Close up ng galit na mukha ni Michael

Dissolve to:
Magiging batang Miguel ang nasa screen. Itataas ang itak. Ang scene na papatayin niya ang nanay niya.

MANG TEDDY
(off screen) Huwag, Miguel!!!

Dissolve to:
Si Michael uli sa kasalukuyan. Dadako uli ang kamera kay Mang Teddy. Biglang tatambad si Noel sa pinto ng kwarto.

NOEL
Miguel!

Dissolve to:
Nasa labas na ng kwarto ang kamera. Makikitang naroon din sina Mang Raul, Aling Lourdes, Chona at Gloria. Nakatalikod silang lahat sa screen.

NOEL
Hindi na ikaw si Miguel. May bago ka nang buhay. Hindi mo na kailangan ang maghiganti.

ALING LOURDES
Ano ba ang nangyayari dito?

MANG RAUL
Michael ibaba mo na ang itak. Pag-usapan lang natin ‘to.

Marahang hahakbang palapit sa kanila si Aling Sonia pero parang nagdadalawang-isip.

ALING SONIA
Michael, nauunawaan ka namin. Naramdaman mo ang mawalan ng mahal sa buhay. Naiintindihan ko kung gaano kasakit para sa’yo. Pero asawa ko si Teddy, mahal ko siya at magdurusa ako kung mapapatay mo siya. (tumutulo ang luha) Ako na ang humihingi ng kapatawaran anuman ang nagawa niya sa inyo. Parang awa mo na… kung papatayin mo siya, isama mo na rin ako.

Kitang-kita ang aprehensyon sa mukha ng mga saksi. Pipihit na sanang patalikod kay mang Teddy si Michael, ngunit biglang aalingawngaw ang sigaw ni Mang Teddy. In slow motion, itutumba niya ang aparador at mababagsakan si Michael. Dadagan sa kanya ang aparadaor. Gugulong sa sahig ang jewelry box na nakabalot sa supot. Kakalat ang laman nito.

Dadamputin ni Mang Teddy ang itak at itutuon kay Michael

ALING SONIA
(Boses in slow motion) Teddy... huwag...!

Magiging maagap si Noel. Masasapo ang kamay ni Mang Teddy ngunit masasayaran ng talim ng itak ang braso niya.

Magpa-panic ang lahat
Mula slow motion, babalik sa normal pace

Si Mang Raul ang kukuha ng itak sa kamay ni Mang Teddy na pigil-pigil pa rin ni Noel at iaabot ito kay Aling Sonia.

Samantala, dinadampot naman ni Gloria ang mga nagkalat na alahas sa sahig. Pamilyar sa kanya ang mga ito. Bigla siyang iiyak.

CHONA
(Lalapitan si Gloria) Gloria…?

GLORIA
(Nakaluhod sa harap ng mga alahas) Mga alahas ni Ogie ang karamihan dito. (Iaangat ang isang singsing) Ito ang kaparehas na singsing na ibinigay niya sa akin…

Gulat na gulat ang ekspresyon ng lahat. Iisa ang iniisip.

ALING LOURDES
Teddy… Ikaw...?

ALING SONIA
(Kay Aling Lourdes) Wala rin akong alam, mare…(titindi ang pag-iyak) Hindi ko alam…

GLORIA
(Putol-putol ang pagsasalita sa pagitan ng paghikbi) Ito ang mga ebidensiyang hinahanap ko… ikaw ba, ninong?
Maiiwan ang kamera sa mukha ni Mang Teddy. Hindi malaman kung ano ang reaksiyon.

88. Bahay nina Mang Teddy/Bukang Liwayway
(Exterior)

Sumisikat na ang araw. Nakaposas si Mang Teddy. Nasa magkabilang gilid niya ang dalawang pulis. Sa gawing kaliwa ay nakatipon sina Mang Raul, Aling Lourdes Aling Sonia, Chona, Gloria, Noel at Michael.

Cut to:

89. Kalsada

Magkakasama pa rin sila. Dumami na ang mga nag-uusyoso sa daan.

Hahawak si Aling Sonia kay Aling Lourdes.

ALING SONIA
Kung dapat pagbayaran ng asawa ko ang mga nagawa niyang kasalanan, hindi ako tututol. Masakit para sa akin lalo’t matatanda na kami pero wala akong magagawa. Kailangang manaig ang hustisya. Diyos na lang ang bahala kung ano ang plano Niya sa amin.

Mabagal na lalapit si Mang Teddy sa asawa.

MANG TEDDY
(Kay Aling Sonia) Sonia, patawarin mo ako. Marami akong inilihim sa’yo. Magsisi man ako, huli na… (hahagulgol na parang bata)

ALING SONIA
(Yayakapin ang nakaposas na asawa. Pagtulo lang ng luha ang isasagot)

Lalapit din si Mang Teddy kina Noel at Michael

MANG TEDDY
(Kina Noel at Michael) Alam kong napakalaki ng mga pagkakasala ko sa inyo. Habang buhay man akong makulong, kulang pa rin para pagbayaran ko, lalo na sa’yo Miguel. Mapatawad n’yo sana ako.

MICHAEL
(Hahawakan sa balikat si Mang Teddy. Nakatali na ng panyo ang duguan niyang ulo) Patawarin n’yo rin ako, Tatay Teddy. Nasupil ako ng damdamin ko (5 secs silence) Gano’n pa man, salamat din sa pag-amin mo sa pagpatay sa kasintahan ni Gloria. Mapapalagay na rin ang pamilya ni Ogie ngayon.

MANG TEDDY
(Mapapalingon kay Gloria) (kay Gloria) Mapapatawad mo ba ako, anak?

GLORIA
(Kakagat sa labi. Tatango ngunit hesitante. Ipapatong ang ulo niya sa balikat ni Chona)

MANG RAUL
(Lalapit sa kumpare at yayakapin ito pero hindi makakapagsalita)

MANG TEDDY
(kay Mang Raul) Patawad, pare. (Isa-isa silang lilingunin) Patawarin n’yo akong lahat.

Dissolve to:
Isinasakay sa owner-type jeep ng mga pulis si Mang Teddy. Nakangiti na ito pero hindi pa rin mapigilan ang pagtulo ng luha. Hahabol si Aling Sonia para humawak sa braso ng asawa. Aandar na ang sasakyan. Lalayo nang lalayo hanggang sa takpan na ng mga puno.

Dissolve to:
Lalapit si Gloria kay Noel. Hiyang-hiya.

GLORIA
Noel… sorry. Napagbintangan kita…

NOEL
Wala ‘yon. Naiintindihan kita. Kalimutan mo na rin ‘yon.

GLORIA
Talaga?

Matagal na nagsalubong ang mga mata nila

NOEL
(nakatitig kay Gloria) Hindi ka na galit sa akin?

GLORIA
Hindi. Bakit pa ako magagalit, wala ka naman palang kasalanan. Ikaw, galit ka ba sa akin?

NOEL
(Ngiti lang ang isasagot. Parang nagdadalawang isip na yayakapin si Gloria ng isang braso niyang sugatan at nakabalot ng tela)

GLORIA
Ang sugat mo…

Dissolve to:
Masayang malungkot na magka-akbay ang mag-asawang Raul at Lourdes.

Dissolve to:
Dadako ang kamera kina Chona at Michael

CHONA
(Kay Michael) Now I understand.

MICHAEL
Chona, I’m sor… (hindi matutuloy ang sasabihin dahil tatakpan ni Chona ang bibig niya)

CHONA
You don’t have to say that. (hahaplusin ang ulo ni Michael) gagamutin ko na lang ang sugat mo.

MICHAEL
(Ngingiti. Yayakapin si Chona at may ibubulong) I love you.

Dissolve to:
Mabagal na dumarating sa scene ang nanay ni Noel. Hinahanap siya. Hindi agad siya mapupuna ni Noel.

Susulyap si Michael kay Noel habang nakayapos kay Chona. Bibitiw at lalapit kay Noel.

MICHAEL
(kay Noel) Salamat. Napatunayan ko uli na ikaw talaga ang bestfriend ko.

NOEL
Dapat din akong magpasalamat sa’yo. Dahil sa nangyari natutunan kong patawarin ang nanay ko. Kahit gaano kasakit… (ilalagay ang kuyom na palad sa dibdib ) dito!!!

Biglang susulpot sa likod niya ang kanyang ina at hahawak sa braso niya. Yayakap siya dito. Magtataka ang ina subalit mababakas sa mukha ang tuwa.

MICHAEL
(Hahawakan sa isang balikat si Noel) Parang biglang nawala ang lahat ng galit sa dibdib ko. Pakiramdam ko, bagong tao ako. Malaki ang naitulong mo, Noel.

NOEL
(Bibitiw sa ina at hahawakan din sa balikat si Michael. Magyayakap uli silang dalawa.)

MICHAEL
Mula ngayon, ikaw na ang kapatid ko. Tutuparin ko ang mga pangako ko sa’yo.

Dissolve to:
Parang biglang magkakaroon ng sigla sa mukha ni Mang Raul. Papalakpak ito upang kunin ang atensyon ng lahat.

MANG RAUL
O, siya, siya. Halina muna sa bahay nang makapag-almusal. Kumakalam na ang sikmura ko. (babaling sa mga taong patuloy pa ring nag-u-usyoso) Magsi-uwi na rin kayo! Kailangan n’yo na ring mag-almusal! (babaling kay Michael) Miguel…?

Dadako uli ang kamera kay Noel

NOEL
Halika na, Miguel…

Tight close-up sa mukha ni Michael

MICHAEL
Hindi ako si Miguel! (Biglang ngingiti nang mapunang naakpektuhan ang lahat sa reaksyon niya)

Mapupuno ng saya ang umagang iyon. Sama-sama silang lalakad patungo kina Mang Raul.

Mababanaag ang panibagong sigla sa kanila. Panibagong buhay.

Habang naglalakad ay naka-akbay si Mang Raul sa asawa. Napapagitnaan naman si Noel ng kanyang ina at ni Gloria. Sa likod nila ay magkasabay na naglalakad sina Michael at Chona. Si Aling Sonia, nakakapit naman sa braso ni Aling Lourdes, na tila nakikipagbunyi na rin sa kabila ng sinapit ng asawa.

Habang palayo sila ay aatras din nang aatras ang kamera hanggang sa mawala na sila sa frame. Para namang na-magnify ng camera ang kabuuan ng San Andres. Paatras nang paatras hanggang sa tumigil ito sa batuhan. Makikita doon ang sinturong matagal na iningat-ingatan ni Mang Teddy. Nilalaro ng maliliit na alon. Bakit ito napunta doon? Ewan! Bahala na ang mga manonood na mag-isip.

Magdidilim ang screen.


THE END